Chapter 18: Happy New Year?

24 5 0
                                    

Chapter 18: Happy New Year?








Naalala niyo pa ba yung paniniwala ko na kapag kung sino yung makakausap ko before, during at after New Year countdown ay may malaking part siya sa magiging taon ko?

Well, to tell you, ang laking impact nung pag-uusap namin ni Basti noong nakaraang New Year countdown. Ngayon, boyfriend ko na siya.

Hindi ko alam kung accurate ba yung paniniwala ko or fated lang ba talaga na mangyari ito sa amin ngayon. Pero kahit na ano man ang tama o totoo, sobrang thankful pa rin ako dahil si Basti ang naging karelasyon ko at malaki ang naging parte nya sa buong 2019 ko.

Excited na ako sa 2020.

Magpopost na sana ako sa Instagram ng pictures namin nang makita ko na nagpost din siya.

"Still you in 2020," ang caption niya sa pinost nyang picture ko. Nagcomment ako doon, "You got me too, I love you."

Dalawang oras na lang at countdown na. As usual, hindi ko naman hinihintay ang countdown para tumalon dahil di naman effective sakin, hinihintay ko yun dahil gusto ko makausap si Basti hanggang sa magbago ang taon. Isa siya sa pinakamahalagang tao para sa akin na gusto ko pa ring maging bahagi ng susunod na taon.

Sobrang excited na ako na bumuo pa ng mas maraming alaala kasama siya. And excited na rin akong harapin kung ano man ang dala nitong darating na panibagong dekada.

Who knows hindi ba? 10 years from now, kasal na ako sa lalaking sobra kong mahal at bubuo ako ng pamilya kasama siya.

You messaged Ibarraaaa:
"Mag-uusap tayo mamaya ah."

"Opo."

"I love youuu!"

"I love you too!"

30 minutes na lang at 2020 na kaya sinimulan ko na siyang kulitin sa chat.

You messaged Ibarraaaa:
"Babe!! Babeee!!"

"Po?"

"Wala lang, I love you!"

"Haha! I love you too! Teka lalaro lang ako." Aww okay.

"Sige po."

Hinayaan ko na lang muna siyang maglaro. Unlike last year, ganitong oras sobrang dami na naming napag-uusapan at halos di na namin namalayan na New Year na pero ngayon, nakatingin lang ako sa orasan.

"Hays..." sabi ko kasabay ang malalim na buntong-hininga.

Hinihintay ko siyang magchat pero wala. Hindi na rin siya online. Ayoko naman siyang ichat kasi baka naglalaro pa siya. Hanggang sa hindi ko na muna tiningnan ang cellphone ko at nagcelebrate muna ng countdown kasama ang pamilya ko.

It just so happens na hindi natutuloy ang plano ko. Sana hindi ito makaapekto sa panibagong taon na meron kami.

"5...4...3...2...1! HAPPY NEW YEAR!" sigaw ni Papa. Ako naman nakatingin sa cellphone ko at biglang may tumulong luha mula sa mga mata ko. Sinubukan kong pigilan dahil ayoko namang buong taon akong iyak nang iyak no.

Nakatitig lang ako sa convo namin ni Basti nang biglang nagring ang phone ko, tumatawag si Marah sa gc namin.

"Hiii guysss! Happy New Year!" masayang bati ni Marah. Nagpunas muna ako ng luha bago bumati sa kanila.

"Oh? Binati niyo na ba mga jowa niyo? Hahaha!" tanong ko sa kanila.

"Oo naman. Ikaw ba?"

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now