Chapter 36: Battlefield II

10 5 0
                                    

Chapter 36: Battlefield II






Grace messaged you:
"Hi Venice, ate ito ni Basti. Kamusta ka?"

Kagigising ko pa lang. Agad naman akong nabuhayan sa message na natanggap ko.

May concern pala sa akin ang pamilya nya.

Siya ang asawa ng kuya ni Basti. Mayroon na silang isang anak at ang pangalan nito ay Gianna, alinsunod sa pangalan ng tatay nina Basti — Gian.

Noong kami pa ni Basti, naikwento na niya sa akin ang ilang detalye about kina Ate Grace at hindi lingid sa kaalaman ko na may hidwaan sa pagitan nina ate at parents niya. Unexpected child kasi si Gianna pero kahit na ganoon ay feeling ko unti-unti na rin naman nang natatanggap ng parents ni Basti ang bata.

"Hello po! Okay lang po ako, salamat po sa pangagamusta."

"Buti naman kung ganoon. Bakit pala kayo naghiwalay ni Basti?"

Hindi rin pala nagsabi si Basti sa kanila.

"Hindi ko rin po alam eh. Siya po yung nakipaghiwalay sa akin."

"Ahh ganoon ba? Pareho talaga silang magulo ng kuya niya."

Halos sunod-sunod na gabi kaming magkausap ni Ate Grace.

"Venice, ayaw din sa akin sabihin ni Basti kung bakit eh. Pinatanong ko na sa kuya niya. Ito lang sagot niya."

Grace sent a photo.

Kuya Anthon:
"Musta ang kapatid ko? Musta sina mama?"

Hindi nila kasama ang kuya niya dahil nakadestino ulit ito sa ibang lugar.

Sebastian:
"Okay naman po."

Kuya Anthon:
"Musta ang lovelife?"

Sebastian:
"Wala na po kuya haha!"

Kuya Anthon:
"Ha? Bakit wala na?"

Sebastian:
"Basta po."

Kuya Anthon:
"Alam ko namang bata pa kayong dalawa pero sana sabihin mo kay Venice kung bakit kailangan mo siyang iwan."

Sebastian:
"Ok."

Hanggang ngayon naman ay hindi ko pa rin alam kung bakit. Tokis to.

Kuya Anthon:
"Anong ok? Walang po?"

Sebastian:
"Ok po."

Kuya Anthon:
"Okay ka lang ba talaga? Kuya mo ko pwede ka magsabi sa akin ng problema mo."

Sebastian:
"Okay nga lang po ako kuya."

Pilit niyang iniiwasan ang topic tungkol sa amin.

You messaged Grace De Vera:
"Wag na lang po muna natin siya pilitin ate. Hindi po talaga yan magsasabi kapag ayaw nya."

"Kilalang-kilala mo na talaga siya ano? Hays, hindi rin kasi siya nagsasabi sa mga magulang niya eh. Sabi nga ni papa, nagkukulong lang daw si Basti sa kwarto niya."

Akala ko hindi siya apektado. Bakit kasi ayaw niyang sabihin?

Venice:
"Hayaan na lang po muna natin siya."

Grace:
"Paano ka?"

Venice:
"Maghihintay lang po ako dito."

Si ate ang isa sa umalalay sa akin habang sinusubukan kong mag move on. May ilang bagay din akong nalaman mula kay ate na pwedeng maging rason kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now