Chapter 21: It's My Turn

20 5 0
                                    

Chapter 21: It's My Turn










Tapos na ang maliligayang araw dahil back to school na naman tayo. Sabi nga ng magaling kong boyfriend, "Buhay estudyante nga naman nakamamatay". Totoo naman talaga pero ano pa nga bang magagawa mo? Kung gusto mo ng magandang bukas, aba kailangan mo munang paghirapan yun.

Pasalamat na nga lang talaga ako dahil mas sinipag ako mag-aral dahil kay Basti. Nilolook forward ko na kasi talaga yung future na kasama siya at alam ko na ganoon din siya sa akin.

Sobrang galing kasi mang-hawa ni Basti ng positivity eh, talagang na-adapt ko yun. Isa yun sa mga ugaling dumagdag sa akin magmula nang maging kami. Aminado ako na dahil sa relasyon na ito ay malaki ang pinagbago ko.

Nilagay ko sa bag lahat ng kailangan ko dahil isa na namang araw na pakikipagsapalaran ang mangyayari.

"Panibagong taon, panibagong pagkakataon para mas maging better Venice," bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang araw na papasikat pa lamang.

SHEMS! Yung sikat ng araw... ANONG ORAS NA BA?

Tumingin ako sa orasan at nakita kong malapit na mag 6:30. Nagmadali ako at buti na lang may pumara agad na tricycle sa akin.

Pagdating ko kina Casey ay nandoon din si Ray. Mukhang sabay-sabay ata kaming male-late ngayon, jusko!

"Tara na!"

"Magtatrike lang tayo ah."

"Sige, sige."

"Tara na! Baka mahaba na pila sa sakayan," sabi ko sa kanila.

Nagmadali kaming tatlo maglakad at pagdating namin, walang tricycle ngunit mahaba ang pila. Patay! Mukhang malelate pa nga.

"Buong buhay ko, ngayon lang yata ako malelate," sabi ko sa kanila. Never pa talaga akong na-late at noong elementary ako puro "Most Punctual" ang award ko. Pero dahil nasobrahan ata ako sa pagdeday dream kanina, ito na mararanasan ko na!

Ayaw pakabog ng "late" na ito, gusto pang iparanas sa akin para kumpleto na High School life ko.

"Hahaha! Putek, bahala na," sabi ko sa kanila.

"Okay lang sa'yo na malate?" tanong ni Casey at biglang tumawa.

"Oo, oks na yun nang maranasan ko naman. Bagong taon na bagong taon, late agad amp. HAHAHA!"

Imbes na mainis kami sa sitwasyon, tinawanan na lang namin. Ilang saglit pa ay may dumating ng tricycle, pagtingin ko sa relo ko 6:40 na. Yes naman! Mukhang bungad agad ang sermon sa amin ng maganda kong adviser mamaya.

Hindi kami sa mismong tapat ng school ibinaba ng driver dahil sa mga van na nakaharang at marami na ring tricycle sa may tapat. Mukhang di lang ata kami ang late.

Aba! Tama nga ako.

Nakita namin si Kayden, ang batchmate ko na taga STEM-13.

"Dito na kayo," senyas nya sa amin. Pinasingit nya kami sa pwesto niya.

"Akala ko kami lang late," sabi ko sa kanya.

"Hahaha! Napakarami. Paikot na nga pila doon eh."

"Shet! First time ko to ah. Picture tayo," pag-aaya ko sa kanila. Nagpicture kami at agad ko naman yung pinost sa Ig story ko.

Ibarraaaa messaged you:
"Goodmorning babe! Di po ako makakapasok ngayon. Nasa school ka na?"

"Opo, hala bakit?"

"Sakit kasi ng tiyan ko eh tas kanina pa ako nagsusuka."

"Alam na ba nina Tita?"

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now