Chapter 9: 2nd Month Of Us

41 12 24
                                    

Chapter 9: 2nd Month Of Us









Kung minamalas ka nga naman talaga, dinagsa kami ng sobrang daming gawain ngayong araw ng 2nd Monthsary namin ni Basti. Wala pa akong tulog kagabi dahil tinapos ko ang tatlong requirements sa subject naming E-Tech na kahapon lang sinabi. Samantala, mamaya naman ay may job interview kami sa Oral Communication. Ni hindi ko na nga na-practice kung papaano ako sasagot mamaya. Mayroon ding pinahabol na draft para sa susunod naming activity sa Oral Comm, kaya tinapos ko pa yun kagabi para mapaprint ko kina Casey.

Buti na lang hindi na sumabay pa yung General Mathematics namin.

Bago ako umalis, sinigurado ko muna na nasa bag ko ang laptop ko, wallet, job attire at resume ko. Nagdala na rin ako ng maraming pagkain para hindi ako antukin.

Pagdating ko sa classroom, akala ko ako lang ang hindi nakatulog, halos lahat pala kami puyat kagabi. Sabog sabog na rin kausap itong mga kaklase ko kaya nakakatawa talaga. Yung iba, mahahalata mong nagpuyat dahil putlang-putla ang mga mukha nila at obvious ang malalim na eyebags. Sa akin kasi, kahit anong puyat ko, di halatang lumalalim ang eyebags ko.

"Tae ang hirap nang ganito. Walang tulog tapos may interview pa mamaya," sabi ni Rio sa akin habang nakatingin sa resume niya.

"Legit lang. Bahala na mamaya haha hindi joke lang. Takot ko na lang kay Ma'am Ramirez."

"Nakakatakot pa man din siya tapos ang sabi niya may mag iinterview pa raw sa atin na ibang teachers."

"Hala? Hahaha goodluck na lang."

"Goodluck talaga."

"Baba muna tayo, bili tayo ng chilled taho."

"Sige sige."

Habang pababa kami, nag online muna ako. Kanina pa akong gabi hindi nag oonline dahil tinapos ko lahat ng gawain ko and ayaw ko ng distractions muna. Sa tuwing marami kasi sa aming pinapagawa, nagpapanic ako.

Pagbukas ko ng messenger, andami kong messages mula kay Basti.

"Kain ka na babe."

"Babe okay ka lang?"

"Kain ka na ha, lalaro lang ako."

"Tulog na ako babe, i love you!"

"Goodmorning babe! Happy 2nd Monthsary!!"

Ngayon lang ako hindi nakasagot agad sa mga messages nya.

"Hala sorry talaga Basti sobrang naging busy ako kagabi. Hindi na kita nakausap huhu sorry love youuu!"

Nagselfie ako at sinend ko yun sa kanya.

"May interview kami ngayon tapos wala akong tulog kagabi hahahaha!"

"I love youuuu! Sorry talaga ah!"

Mamaya pa yun magrereply dahil nasa klase pa sya. Habang pabalik kami sa classroom, may nakita kaming isang STEM student na umiiyak and naka-job attire din siya.

"Hala? Ano kayang nangyari dun?"

"Kinabahan ako bigla. Jusko Ma'am Ramirez, maawa ka."

"Reviewhin na natin resume natin."

"Tara." Nagkanya-kanya kami ng pwesto at sinimulan naming basahin ang mga resumes namin. Maya-maya pa ay sinubukan kong tanungin si Rio.

"Rio, halika tanungin kita. Kunwari ako si Ma'am."

"Sige, sige."

"So, why do you want to apply for this job?" Nag-isip muna siya bago siya sumagot sa akin.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now