Chapter 27: Taking Me Back

17 5 0
                                    

Chapter 27: Taking Me Back

A/N: Stream 'Taking Me Back' by LANY on spotify. I found this song suitable because it tells the whole context of this chapter, so I hope you'll listen to it. 🙂


Move into the morning
Champagne on our lips

Are we overthinking?
We can't come down like this

Bumangon ako sa kama at tiningnan ang aking sarili sa salamin.

Mugto ang mata. Namumutla.

Kaawa-awang Venice.

Actually, hindi nga ako nakatulog nang maayos kaya inaantok pa rin ako.

Wala eh. Tuloy ang buhay! Isa pa, hindi naman acceptable excuse sa school ang pagiging broken hearted kaya laban lang!

Sa kadahilanang ayaw kong mausisa nina mama, hindi ko na sila ginising maliban sa kapatid kong pang-umaga. Ako ang naghanda ng sarili kong almusal.

Isang sunny side-up lang ang niluto ko. Halos wala pa nga atang isang cup ng kanin ang kinain ko. Wala akong gana. Ngayon ko lang nararamdaman na totoo pala yung mga nangyayari sa movies na napapanood ko. Totoo pala na kapag heartbroken ka, parang wala kang gana kumain. Wala kang gana sa lahat.

Akala ko sa palabas lang may ganoon. Not until na-experience ko na.

Hindi ko naitago sa kapatid ko ang nangyari. Nakita nya ang mugto kong mga mata kaya nagtanong siya sa akin.

"Anyare sa'yo?" tanong ni Vivien.

"Cool off kami," mahina kong sagot sa kanya. Pigil na pigil ang luha sa muling pagpatak.

"Aww... Bakit?"

"Need niya raw ng time para sa sarili niya."

Kinuha ko ang bag ko at ang jacket kong pastel pink. Nagpakawala ako ng buntong hininga pagkalabas ko ng pintuan ng aming bahay. Muling bumuhos ang mga luha ko.

Hindi ko kaya.

Bumalik ako sa loob para kunin ang panyo na naiwan kong nakapatong sa sofa. Ito ang bukod tanging bagay na hindi pwedeng hindi ko dala ngayon. Ito ang magiging sandigan ko sa buong maghapong puro lungkot ang dala.

You messaged Casey:

"Te, otw na ako."

Naikwento ko na sa kanila ang nangyari kagabi. Nag-aalala na rin sila lalong-lalo na si Marah, nanay duties niya ito sa amin.

Kahit alam kong hindi ako okay, wala naman akong magagawa kung hindi bumangon at harapin ang isang panibagong araw na kailangan niya munang mawala sa sistema ko. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan siya mawawala pero umaasa akong babalik siya.

'Aayusin lang naman niya ang sarili niya hindi ba?'

'Hahanapin niya lang naman ang sarili niya, di ba Venice?'

Walang sigurado. Isa lang ang alam ko, at yun ay ang maghintay dito.

Dahan-dahan akong dumaan sa waiting shed na lagi naming tagpuan. Umaasang baka makita ko siya. Pero hindi, mukhang late na naman siya ng gising.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now