Chapter 3: Haven

48 14 21
                                    

Chapter 3: Haven






Hindi ako makatulog. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung kakayanin ba talaga namin yung "long distance relationship". Tinitingnan ko nang tinitingnan iyong mga pictures na magkasama kami dito sa phone ko. Paano na lang 'pag nasa ibang bansa na siya? Puro na siguro screenshot na lang ng video calls namin iyong makikita ko sa gallery ko. Hays! Kailangan ko na yatang sulitin iyong mga araw na kasama ko pa siya.

Sobrang layo ng America. Sabi niya sa akin pwede naman daw syang magsama kaso hindi naman ako papayagan ng parents ko lalo na't lalaki ang makakasama ko. Syempre, bilang babae, nangangamba rin ako na baka makakita sya roon nang mas maganda pa sa akin. Ibang lahi na iyon no!

Ang nananalaytay lang naman sa dugo ko ay 1/4 Spanish at 3/4 Filipino. Iyan lang maipamamana ko huhu!!!

Ayy! Additional, may talino din palang nananalaytay sa genes ko. Pwede na ba iyon Basti?

Pero sabi niya wala naman daw akong dapat ipangamba. Ewan ko ba, grabe lang ata siguro ako mag-overthink dahil natatakot ako na masaktan ulit, ngunit may tiwala ako kay Basti. Alam kong hindi niya ako sasaktan dahil nakita niya kung paano ako naging frustrated noong niloko ako ni Jake and alam niya na rin iyong feeling ng nasaktan.

Kaya nga siguro mas naging comfortable ako sa kanya dahil hindi niya alam kung paano manakit at manloko. Sobrang loyal kaya noon.

May 2 years pa naman ako. Masusulit ko pa iyong panahong nandito siya.

"Hays, matulog ka na nga Ven." Bulong ko sa aking sarili.

Maaga akong nagising kahit na napuyat ako kaiisip kagabi. Naisipan kong yayain siyang magsimba ngayon.

You messaged Ibarraaaa:

"Babe, simba tayo mamaya."

"Anong oras po?"

"Mga 5pm."

"Okiii!"

"Yehey!! I love youuu!"

"I love you too!"

Naniniwala talaga ako na pag si Lord ang sentro ng relationship niyo, gagabayan niya kayong dalawa at gusto ko rin na mas lalo pa siyang ilapit kay Lord.

*messenger notification*

Ibarraaaa messaged you:

"Wait kita sa shed babe."

"Oki, papunta na ako."

"Sige, sige. Ingat ka. I love you!"

"I love you too!"

Quarter to 5 pm ako umalis ng bahay para sakto ang dating namin sa simbahan. Malapit lang iyong simbahan na pupuntahan namin kina Casey, di ko lang alam kung anong oras sila nagsisimba.

Tumingin ako sa kalangitan at nakita kong medyo kumukulimlim. Sana hindi umulan. Tinamad kasi akong dalhin iyong payong ko eh at saka maaraw pa naman kanina.

"Sana hindi umulan, hindi ko dinala yung payong eh," sabi ko sa kanya.

"Hindi yan."

Pagpasok namin ng simbahan ay dumiretso kami sa may harapan para makita ko kung ano nangyayari. Medyo malabo na talaga mata ko at next week ko pa balak magpaayos ng salamin.

Habang hindi pa nagsisimula ang misa, sumandal muna ako sa kanya. Hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Thank you ah, pumayag ka," sabi ko sa kanya.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant