Chapter 24: On The Edge

26 5 0
                                    

Chapter 24: On The Edge








Biglang pinatugtog ng crew ng milk tea shop ang kantang "Rainbow" by South Border.

"Sometimes we never could understand why some things begin then just end, we can really never tell it all..." Tinititigan ko lang sya habang kinakanta nya iyon. Napakaganda talaga ng boses nitong boyfriend ko. Hindi lang talaga sya ganoon ka-confident na kumanta sa harap ng maraming tao dahil hindi raw maganda ang boses nya, pero sobrang ganda talaga.

"Even if there is pain now, everything will be alright. For as long as the world still turns there will be night and day..." sabay naming pagkanta at napahagikhik kami dahil nagblend ang boses namin.

"Bagay talaga hahaha!" biro ko sa kanya.

"Bagay na bagay kamo."

"Awww! I love youuu!"

"I love you more!"

Kinuha ko ang cellphone ko at nagpicture kami. Magkadikit ang mga mukha namin at mahahalata mo sa aming picture na sobrang saya talaga naming dalawa.

Ito yung unang monthsary namin na hindi kami stress at weekend pa. Lagi na lang kasing sumasakto sa araw ng monthsary namin yung midterms o kaya naman maraming ipapasa kaya nasstress kaming dalawa. Anyway, bawing-bawi naman kapag nagkakasama kami o kaya kahit nakikita lang namin ang isa't isa.

Wala na akong mahihiling pa kung hindi samahan hanggang sa habambuhay itong lalaking ito. Gustong-gusto kong maabot ang mga pangarap ko kasama sya.

Little did he know, sya rin ang pangarap ko.

"Uhm babe, mag ti-three na kasi eh. Okay lang na..." Oo nga pala, magbabantay pa pala siya sa tindahan nila.

"Tss... Okay lang. Tara na, baka pagalitan ka pa ni Tita."

Tumayo kaming dalawa. Kinuha nya ang paper bag at kinuha ko naman ang hindi ko pa nauubos na milktea ko.

"Thank you talaga dito babe ah! Promise babawi ako."

"Nakabawi ka naman na. I love you!" Tumingkayad ako para mahalikan sya sa pisngi niya. Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad kami.

Habang naglalakad kaming dalawa kinakagat nya ang kamay ko. Hindi talaga masakit, nakakakiliti yung ginagawa nya.

"Hahaha! Babe... Baka sabihin nung iba sobrang clingy natin."

"Pake ko dyan hahaha!" Inakbayan nya ako.

"Saan ka na pupunta ngayon?" tanong nya sa akin habang inaamoy ang buhok ko. "Ang bango!"

"Kina Casey. Nagyaya kasi sila Casey na magkita-kita lang doon sa kanila ngayon."

"Ahh, sige hatid kita doon."

"Okiii!"

Kinakabahan ako habang naglalakad kami papunta kina Casey dahil magkahawak pa rin ang mga kamay namin at baka makasalubong namin ang mga magulang nya. Alam kong alam naman na nila yung tungkol sa amin pero hindi ko pa rin talaga makalimutan yung nangyari. Wala rin naman akong lakas ng loob para sabihin kay Basti na inirapan ako ng Papa niya, baka kasi magkaproblema lang o kaya naman ay namisinterpret ko lang.

Nang makarating kami sa tapat ng gate ng bahay nina Casey, nakita kong nalungkot siya.

"Hays! Kailan na naman kaya kita ulit makikita? Kung pwede ka lang iuwi sa bahay, doon ka na palagi eh," sabi niya sa akin sabay ang malalim na buntong-hininga.

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinisil yun, "Okay lang yun. Di ko man alam kung kailan ulit pero alam ko namang worth the wait."

"Hindi ka ba napapagod sa sistema natin?" seryosong tanong nya sa akin.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon