Chapter 17: Stories Till Dawn

21 6 0
                                    

Chapter 17: Stories Till Dawn










Naglagay ako ng extra jogging pants sa bag ko dahil feeling ko magkakaroon na ako mamaya. Nilagay ko na rin sa loob ng bag ko ang wallet ko at nagpaalam na aalis ng 6 pm.

"Ma! Alis na ako," paalam ko kay mama.

"Sige."

Hindi talaga ako nahihirapang magpaalam kina mama kasi okay lang sa kanila na mag-overnight ako. Hindi naman kasi ako gumagawa ng kababalaghan at saka hindi ko naman kasama si Basti dahil kami-kaming magtotropa lang ang mago-overnight. Bitbit ko rin si Panpan papunta kina Ced dahil gusto kong may niyayakap ako na stuffed toy pag humihiga.

Venice:
"Otw na ako mga sisss!"

Ced:
"Sige sige. Ingat! Dala ka pagkain."

Venice:
"Maya, bili na lang tayo dyan haha!"

Yuri:
"On the way na rin akooo!"

Marah:
"Teka lang haha pauwi pa lang ako."

Ced:
"Di naman maglalakad yung bahay sis."

Venice:
"Na-miss ka namin Yuriii!"

Si Yuri kasi ang bukod tanging nag-aaral sa amin sa university. Dahil doon, naging busy na sya at ngayon lang ulit kami magkakasama. Tuwang-tuwa nga sya dahil pinayagan sya.

Pagdating ko doon, nakahiga sa upuan si Yuri samantalang sina Casey at Rio naman ay nagkekwentuhan.

"Saan si Ced?" tanong ko sa kanila.

"Nandoon pa sa kwarto nya. Ilalabas nya lang yung sapin natin para mamaya," sagot ni Casey.

"Ahh sige sige."

Nagkunwari akong hindi ko nakita si Yuri at inupuan ko siya.

"Aray kooo! Hahaha! Hayop ka talaga Venice!" Umupo siya at niyakap ako.

"Nagugutom ako te," sabi sa akin ni Yuri.

"Hala ako rinnn!" sabi naman ni Rio.

"Bili tayo!" sabi ko sa kanila.

"May malapit bang nagbebenta ng barbecue dito?"

"Oo."

"Ceddd!" Lumabas si Ced mula sa kwarto niya bitbit ang isasapin sa sahig mamaya.

"Oh?"

"Bibili kami ng pagkain. Ano gusto mo?" tanong sa kanya ni Casey.

"Siya, char!"

"Wild naman pala."

"Hindi ah, sakto lang."

"Gusto ko isaw," sabi ko kay Casey at inabot sa kanya ang pera.

"Ayy Ven ikaw na lang maiwan dito," sabi sa akin ni Ced.

"Samahan ko sila," dagdag pa niya.

"Oh sige. Pasabay na rin ako ng milktea." Kinuha ni Rio ang pera ko na pambili ng milktea dahil siya ang nagvolunteer na bibili nito.

Maya-maya pa ay umalis na sila.

Habang ako lang mag-isa, iniimagine ko na nandito si Basti. Sana nandito na lang talaga sya. Dahil doon, chinat ko siya.

You messaged Ibarraaaa:
"Babe, nandito ako kina Ced ah. Love you!"

"Overnight niyo? Sige, enjoy kayo dyan. I love you too!"

Kung bakit ba naman kasi hindi laging pinapayagan si Basti pero okay lang para lang naman sa aming magtotropa itong overnight.

Pagbalik nila, bumaba kami patungo sa kusina ng bahay nina Ced at kinain ang dala-dala nilang pagkain.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now