Chapter 16: Reminisce

24 5 0
                                    

Chapter 16: Reminisce










Parang last year lang ay medyo nasaktan ako dahil biglang umamin si Basti na wala na syang nararamdaman para sa akin.

Parang last year lang, wala pa akong boyfriend at ngayon meron na!

Sobrang saya ko dahil icecelebrate ko ang Christmas at New Year nang may boyfriend.

Hindi ko pa pala sa kanya naibibigay yung regalo ko so baka sa susunod na lang namin na pagkikita. Sayang dahil hindi nya yun mabubuksan ngayong Pasko.

Ibarraaaa messaged you:
"Babe, mamaya na kita ichachat ha kasi marami pang tao dito sa tindahan. Basta chachat kita mamayang Noche Buena."

"Okay po. Ingat ka ha! I love you!"

"I love you too!"

Sobrang sipag talaga ni Basti. Nasa tindahan nila siya ngayon dahil dinagsa sila ng mga customers. Sobrang responsable at mabait si Basti kaya wala talagang problema mga magulang nya sa kanya at maswerte ako dahil ganoong klase ng lalaki ang karelasyon ko.

Busy na rin dito sa bahay. Tinutulungan ko na rin si mama sa pagluluto ng mga pagkain mamayang Noche Buena. Mas sinipag kasi ako mag-aral magluto ngayon dahil kay Basti. Parang preparation na rin sa future hehe.

Pagsapit ng Noche Buena ay agad kaming nagsalo-salo sa pagkain. Kami-kami lang naman nina papa ang nagcecelebrate pero masaya kasi kumpleto kami. Ilang saglit pa ay dumating si Michael kasama si Liam. Expected ko na ito since lagi kaming may graham cake sa handa namin.

"Hi po tita! Merry Christmas po!" bati nina Liam at Michael.

"Merry Christmas! Pasok kayo." Pumasok silang dalawa at nakita kong bitbit ni Michael ang Smirnoff at The Bar Pink na pinabili ko sa kanya.

"Ssssh! Sabihin mo regalo mo sa akin haha!" bulong ko kay Michael. Ayaw kasi nilang uminom ako ng alak.

"Aba! May alak ah!" sabi ni mama sa kanya.

"Opo, regalo ko po kay Venice." Very good talaga si Michael. Kinuha ko sa kanya ang alak at inilagay muna yun sa ref.

Kumain sina Michael at Liam ng mga handa namin. Nagkwentuhan na rin kami habang kumakain.

"Alam na ba nina tita?" bulong sa akin ni Liam. Umiling ako.

"Ahhh! Ahhh! Si Basti!" Pinandilatan ko siya nang mata.

"Gago!" sabi ko sa kanya sa mahinang boses.

"Anong alam nila?"

"Manliligaw ko pa lang haha!"

"Gagi ka Ven haha! Buti di nila nahahalata?"

"Ewan ko, di rin naman sila nagtatanong."

"Okay naman ba kayo ni Basti?"

"Super okay na okay kami. Ito si Michael di nagsasalita pero sobrang saya nito kay Shaira." May girlfriend na rin si Michael ngayon, si Shaira. Classmate nya ito at kakasagot lang sa kanya noong October. Ang galing nga eh dahil pareho kaming nagkaroon ng mga karelasyon bago magtapos ang taon.

"Ayy oo nga no! Musta naman kayo?" tanong sa kanya ni Liam.

"Okay naman. Close na nga sila agad ni Venice eh."

"Hahaha! Approachable kasi girlfriend mo. Saka okay na rin yun."

"Sana all may mga jowa!"

"Huyy! Sssh!"

"Ayy ayy hahaha!"

"Kailan mo balak sabihin Ven?" tanong sa akin ni Michael habang kumakain siya ng graham cake.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon