Chapter 14: Bunch Of Happiness & Surprises

23 6 0
                                    

Chapter 14: Bunch of Happiness & Surprises










Naalala kong hindi pa pala ako nakakabili ng regalo para sa dati kong classmate na magdedebut next next week. Next week na lang siguro ako bibili kasama si Basti.

Ngayon ang Year-end party namin. Ang suot ko ay army green na fitted crop top off shoulder at high waisted pants. Ipinares ko rin yun sa white shoes. Syempre, bago ako nagdecide na ito susuotin ko, pinakita ko muna kay Basti yung picture.

You messaged Ibarraaaa:
"Okay lang ba yung suot ko?"

"Oo para saan ba yan?"

"Sa Year-end party namin."

"Ahh, oo okay naman. Basta ah make sure na walang babastos sayo kasi pag meron sasabog ako." Si Basti hindi naman siya nagagalit pag ganito mga suot ko pero mas kampante siya pag kasama niya ako. Hinahayaan niya lang ako magsuot ng gusto ko kasi bagay naman daw sakin pero lagi niya sa akin pinapaalala na mag-iingat palagi.

"Opo opo, thank you babe!"

"I love youuu!"

"I love you moreee!"

Pagdating ko sa room namin, nakalagay na sa table ang mga gifts and yung mga kakainin namin mamaya. Ang gaganda at ang popogi ng mga classmates ko.

As usual, nagpicture picture kami nina Casey. Hiniram pa namin ang cellphone ni Xia hahaha! Iphone kasi eh kaya mas maganda ang quality ng pictures. Yung ilang pictures ko, pinagsesend ko kay Basti. Gusto ko lang naman ipaalala sa kanya na napakaganda ng girlfriend nya haha char!

Bago kami kumain, naglaro muna kami kasama ang adviser namin na si Ma'am Laura. Ang pinaka the best ay yung pahabaan contest namin na ginanap sa grounds. Ang sabi ni ma'am, ang pwede lang ay yung nasa katawan namin kaya itong mga classmate ko kung ano-ano pinagsisiksik sa mga damit nila.

Nagsiksik din ako ng maraming ballpen sa pantalon ko. Yung panyo ko itinali ko sa buhok ko para kunwari galing doon at yung sintas ko naman ay tinanggal ko pati na rin sapatos ko.

Si Ray na game na game, naghubad ng sinturon at damit. Yung iba ko namang mga kaklase na lalaki mga maduduga kaya tawa kami nang tawa. Hindi naman namin aim yung premyo, gusto lang talaga namin magkatuwaan.

Hindi namin akalain na ang isang buong kahabaan ng grounds mula sa building namin papunta sa auditorium ay malalagyan kaya sobrang tawang-tawa si Ma'am Laura sa mga pinaggagawa namin.

After nun, niligpit din namin ang mga kalat at umakyat sa taas para kumain.

Sakto lang na naglaro muna kami bago kumain dahil marami kaming makakain ngayon.

After naming kumain ay exchange gifts na. Ang nakuha ko ay shoulder bag na pastel pink ang color at may mustard yellow pa na polo. Samantala, ang niregalo ko sa nabunot ko ay pink na bag at scrunchie.

Pinakahihintay ko talagang part ay ang uwian dahil automatic na may bitbit si Ray na pagkain para sa amin. Hindi nga ako nagkamali dahil may bitbit siyang dalawang box ng brownies, isang box ng donuts, may manok pa at isang litro ng sofdrinks hahaha! Imagine, dadalhin namin lahat ng yan sa MOA mamaya.

You messaged Ibarraaaa:
"Babe, pupunta po akong MOA ngayon."

"Sino kasama mo?"

"Sila Casey po."

"Sige, ingat kayo ha. Chat mo ako pag nakauwi ka na."

"Opo, I love you!"

"I love you moreeee!"

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now