Chapter 32: Wake Me Up

18 6 0
                                    

Chapter 32: Wake Me Up









You messaged Sebastian Madriaga:
"Ang dami ko pa sanang gustong sabihin sa'yo kanina pero hindi ko na kinaya. Gusto ko lang naman malaman kung bakit gustong-gusto mo umalis. Ang hirap, hindi ko maintindihan."

Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng aking mga luha. Sobrang sakit at hindi ko mailarawan kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Walang sapat na salita ang makakapaglarawan ng sakit na dinulot niya.

Hindi ko maintindihan. Mas mahirap pa itong intindihin kaysa sa mga worksheets namin sa Statistics at Accounting. Walang formula ang makapagsasabi at makapagpapalitaw ng sagot na pilit kong hahanapin.

"Sorry. Basta ang hirap ipaliwanag. Hindi pa ako ready sa iba, ito lang ang masasabi at maipapangako ko sa'yo. Hindi pa ako ready, pangako 'yan."

Mapagkakatiwalaan pa ba kita ngayong napakaraming pangako na ang hindi mo natupad?

"Ibabalik ko na lang sa'yo yung mga binigay mo, maliban sa tula."

"Hindi ko na tatanggapin yun kasi sa'yo na yun. Wag mo ng ibalik sa akin. Kahit alagaan mo na lang yung mga tula," pakiusap ko sa kanya.

"Kung maisipan mong bumalik, pwedeng-pwede ka pang bumalik Basti. May babalikan ka pa."

I know I'm stupid for saying that but who cares? Mahal na mahal ko iyong tao.

"Ssssh... Tama na Ven. Punta na raw tayo kina Marah," pagpapakalma sa akin ni Rio. Tumayo siya at binuhat niya ang bag ko.

"Mahal na mahal kita, alam mo 'yan." Ngayon na yata ang huling beses kong maipapaalala sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

"Sorry."

I'm not sure if he's really sorry kasi some people say they're sorry just to ease the guilt that they feel.

Alam kong crucial itong susunod kong tanong sa kaniya pero sinubukan ko pa rin.

"Mahal mo pa ba ako Basti? Kasi ako, oo. Sobra pa nga."

Ang tagal niya bago nakapagreply. At pagkakita ko ng message niya...

"Sorry Ven pero hindi na," gumuho ang mundo ko. Mas lalong nadurog ang puso ko sa nabasa ko. Para itong sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa utak ko.

Ayaw kong maniwala sa sinabi niya dahil parang sinabi niya lang iyon para tumigil na ako at tigilan na siya, ngunit habang binabasa iyon ay parang paulit-ulit akong sinasampal ng masakit na katotohanan — wala na kami.

Batid kong nais niya na talagang lumaya mula sa akin.

Pagkarating namin sa bahay nina Marah ay agad niya kaming idinala sa kwarto niya. Niyakap niya ako at umiyak na naman akong muli.

Mukha akong batang nagmamakaawa. Hindi na maayos ang buhok ko at unti-unti na ring namumugto ang mga mata ko.

"Ang unfair, teka lang last na 'to," sabi ko kay Maray at nagtype muli ng message para kay Basti.

You messaged Sebastian Madriaga:
"Akala ko may pinagkaiba ka kay Jake. Pareho niyo lang akong niloko. Pareho lang kayong dalawa. Ano bang nagawa ko para masaktan nang ganito? Ginagago niyo lang talaga ako eh." Nagpupuyos na ako sa galit kung kaya't naikumpara ko siya kay Jake.

"Akin na 'yan tama na." Kinuha ni Marah ang cellphone ko at ibinigay kay Casey.

"Nangyari na Ven, wala ng magagawa yung message mo at saka hindi natin mapipilit ang isang tao na pagsisihan ang ginawa sa atin," dagdag pa niya.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora