Chapter 15: Good News

26 5 0
                                    

Chapter 15: Good News











Drake Vasquez sent you an email.

Hmm...Sino si Drake???

Ahhh! Yung batchmate ko. Ano kayang meron?

Binuksan ko ang email niya and then nagulat ako na isa pala yung pagbati mula sa Alab Teatro. Ang Alab Teatro ay isang Theatre Club sa school namin and sinubukan kong mag-audition doon noong 3rd Week ng November.

"Good Day Miss Venice Allison Martinez! Congratulations! You amazed us with your acting skills and talents that you showed last auditions on November 20, 2019. We, from Alab Teatro, wants to warmly welcome you as our new cast. Puso at Alab Teatro!"

OMAYPAKENINGSHEYT! Tanggap akoooo!!!

"Maaaa! Tanggap ako sa auditions para sa teatro!! "

"Aba ang galing ah! Basta siguraduhin mo lang na hindi mo mapapabayaan pag-aaral mo ha."

"Opo, ma." Nakakaconfuse kung proud ba si mama o hindi pero hinayaan ko na lang.

Hindi ako makapaniwala na matatanggap ako doon. Hindi ko kasi na-feel na binigay ko ang best ko noong nakaraang auditions eh. Sa wakas, matutupad na rin ang isa sa mga pangarap ko na magperform sa harap ng maraming tao gamit naman ang acting skills ko.

Ilang saglit pa ay nakatanggap naman ako ng mensahe mula kay Ma'am Maan Avila, ang adviser ng club.

"Hi Venice! Nabasa mo na siguro yung email and I want to welcome you as part of our team."

"Thank you po Ma'am!"

"It's my pleasure, you're so great! You impressed us. Oh, btw...our play will happen on February next year and you are one of the main casts. Don't worry, di naman tayo magpapractice ngayong bakasyon haha. Our practice will start on second week of January."

"Omggg! Thank you so much po Ma'am! Di ko po ineexpect ito. Thank you po for the opportunity."

"You're welcome! I'll add you on our groupchat okay? Have a happy holidays btw!"

"Have a happy holidays din po!"

Sobrang saya ko! Matagal ko na kasi talagang pinapangarap na mag-feeling artista sa harap ng maraming tao. Sana musical yung play namin para mas dama ko and mas lalo kong ma-feel na kunwari part ako ng Miss Saigon. Aaaah! Shems, thank you Lord!

You messaged Ibarraaaa:
"Babeee! May good news ako!"

"Ano yun babe??"

"Nakapasa ako sa auditions ng Alab Teatro!! Huhu! And isa raw ako sa mga main casts sa play sa February."

"Halaaa ang galing mo babe! Congrattsss! You deserve it. Ang galing-galing mo talaga."

"Thank you babe! Btw, nood ka ha."

"Pwede ba?"

"Yahhh, pwede magsama ang mga main casts ng outsider kaya makakapanood ka."

"Sige sige."

"Promise ha?!"

"Promiseee! Ayokong ma-miss ang event ng baby ko no! I love youuu! I'm so proud of youuu!"

"Thank youuu!"

Sa sobrang tuwa ko, nakaisip na naman ako ng tula. Dalawang tula na lang at all set na ang gift ko para kay Basti. Naka-ready na rin ang C5 na size ng papel para dito sa ibibigay ko sa kanya at nakausap ko na rin si Casey dahil pupunta ako doon para magpaprint sa kanila. Yung mga red pills naman ay isa-isa kong nilagyan ng messages at patago ko yung ginagawa. Kung ano-ano na nga lang din nilalagay ko eh, basta ma-motivate sya.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now