Chapter 10: His Property

38 9 10
                                    

Chapter 10: His Property











Bumalik na ulit kami sa mga classmates nya para raw makahabol sya sa mga gagawin sa speech choir.

"Babe, dito ka lang ha. Hintayin mo ako, okay lang?"

"Sige lang, dito lang ako kasama nina Casey."

"Okiii! Sabay tayo uwi ha!"

"Sige po!"

Naglaro kami nina Casey ng "Killer Eye" sa gilid at maya-maya pa ay nagkayayaan na sina Ray na umuwi.

"Venice, uwi na kami ha."

"Baka kasi hinahanap na ako ni mama eh."

"Hala sige. Sorry ah pinaghintay ko pa kayo rito. Thank you rin sa pagsama sa akin."

"Oks lang yun, sige na una na kami. Ikaw? Dito ka lang?"

"Oo eh, hihintayin ko pa si Basti."

"Ahh sige, ingat ha!"

Kinuha nila ang mga bag nila at tumayo. Tinawag nila si Basti at nagpaalam.

"Bye! Ingat kayo!" Sina Erine at Jericho ay sumabay na rin sa kanila. May pupuntahan pa raw kasi sila. Samantalang ako, nasa gilid lang hinihintay si Basti.

"Psst!"

Tumingin ako sa kanya, "Bakit??"

"Okay ka lang dyan?" tanong nya sa akin habang nakathumbs up ang isa nyang kamay. Tumango ako.

"Sige, bukas na ulit ha. Yung mga late dyan baka naman agahan nyo na bukas!" sigaw ni Alvin sa kanila. Nagkanya-kanyang alis naman ang mga classmates nila.

Kinuha ko ang eyeglasses ko sa bag dahil medyo lumalabo na naman vision ko dala siguro ng pagod. Payo nga sakin ng ophthalmologist eh suotin ko palagi, kaso makulit ako.

"Uyy Venice! Ang ganda ng salamin mo ah. Patingin nga." Kinuha naman ni Kent ang kakalagay ko lang na salamin ko.

"Baka di mo yan grado, baka mahilo ka," sabi ko sa kanya.

"Lah, malinaw na rin sa akin 'to. Baka kailangan ko ng magpatingin," sabi ni Kent.

"Oo, pacheck up ka na talaga. Kasing labo na ng mata mo na mapasayo si Kierra," kantyaw sa kanya ni Alvin.

"Aray! Ang sakit mo naman magsalita hahaha!"

Naglakad kami pauwi. Kasama namin ang ilan pa sa mga classmates nila. Habang naglalakad kami ay bitbit naman ni Basti ang beatbox na ginamit nila.

Nang nakita nila ang street foods stand malapit sa school namin, tumigil kami doon.

"Upo ka muna dito babe," sabi sa akin ni Basti at tinuturo ang beatbox.

"Sige."

Kinulit niya isa-isa yung mga babae nyang kaklase. Hindi naman ako nagselos kasi kinukulit nya lang para ipakilala ako.

"Psst! Rachel! Si Venice, girlfriend ko."

"Hahaha! Loko loko ka talaga." Pinalo ko siya sa pwet.

"Hiii!" bati nya sa akin at syempre bumati rin ako.

"Ganda ganda ng girlfriend mo Basti. Anong pinakain sa'yo nyan ha?" tanong sa akin ni Ian, claasmate nya.

"Hoy! Wala no! Sadyang matino kasi ako." Pagtatanggol ni Basti sa sarili niya. Ngumiti lang ako sa kanila.

"Sige nga buhatin mo nga girlfriend mo..."

"Basic."

"Habang nakaupo dyan sa beatbox HAHAHA!"

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now