Chapter 38: Without You

16 5 0
                                    

Chapter 38: Without You




Kahit pa sabihin nating minahal natin nang buong-buo ang isang tao, kapag gusto niyan umalis, aalis talaga yan.

Iyon na ang huling pag-uusap at pagkikita namin ni Basti. Hindi na rin ako masyadong nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

Ako na ang lumayo.

Unti-unti ko na ring tinatanggap na baka ako talaga ang may mali kaya siya napagod at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano iyon. Kahit naman malaman ko kung ano iyon, may magagawa pa ba ako?

Sobrang bilis nang mga pangyayari eh. Bago kami nagcool off okay pa kami at ang huli naming pag-aaway ay nangyari noong January pa. Siya itong lumayo. Siya itong bigla na lang nanlamig.

Wala na akong magagawa. Kailangan ko na lang magpatulyoy sa buhay.

Masaklap na parte ng aking paglalakbay papunta sa healing at growth ay ang mga taong napakadaling manghusga. Oo, aaminin ko, sa sobrang impulsive ng mga decisions ko dahil sa emosyon ay kung ano-ano na ang naipopost ko sa social media.

Kilala lang nila ako bilang isang Venice na maraming achievements at hindi pwedeng magkamali. Once na magkamali ako, parang wala na akong ginawang maganda at tama buong buhay ko.

“Nagpapaawa raw ako at hindi ko raw inintindi si Basti.”

Iyon ang alam nila. Inintindi ko si Basti kahit na hindi niya nilinaw ang lahat. Ayaw ko nang mag-explain.

Bakit ko pa kailangang mag-explain sa mga taong kilala lang ako sa pangalan ko at hindi alam ang tunay na nangyari?

Kaya lang naman sila nakakapagsalita ng ganyan dahil hindi pa nila nararanasan. Hindi naman sa pinagdarasal ko na sana maranasan din nila ang hirap at sakit na dinaranas ko, pero sana isang araw ay matauhan sila at matanto na mali ang mga paratang nila sa akin. Kahit hindi na sila magsorry, kahit marealize lang nila na napakahirap ng sitwasyon ko. Saka isa pa, hindi ko ginustong malagay sa sitwasyong ito. Kung papipiliin ako, matic na hindi ito ang pipiliin ko.

Fuck u 2020!

Isa lang ang solusyon dito, iyon ay ang wag na silang pansinin at magfocus sa kung anong mas makabubuti sa akin.

Minabuti ko na lang ang pag rereview para sa mga CETS. Kung itong pagiging broken ko ang dahilan para makapasa ako sa UP, aba baka mag thank you pa ako sa ex ko.

Sana makapasa, sana talaga!!!

Para makaipon sa pang-college ko ay sinubukan kong mag-gig sa mga restaurants at bar. Buti na nga lang at may tumanggap sa akin kahit na under age pa ako. Pinagpilitan ko kasing kailangan ko talaga at hindi naman nila mahahalata na bata ako dahil ang matured naman na ng hitsura ko.

After class dumidiretso ako sa may BGC para kumanta. Kapag weekend naman ay nakatambay ako sa High Street, kumakanta at tumutugtog gamit ang ukulele ko. Minsan tumutugtog din ako ng flute. Nakakataba lang ng puso kapag may nag-aabot ng pera at vinevideohan ako. May iilan pa ngang foreigners na suki na sa pakikinig sa akin.

“Di ba siya yung taga science high school?” Narinig kong bulong ng isang babae sa kasama niya. Bumulong ka pa ah.

“Oo…"

“Ba’t siya kumakanta dito? Nakakahiya naman yang ginagawa niya.” Ang sama ng tingin niya sa akin pero patuloy pa rin ako sa pagkanta. Pakialam ko sa mga yan? At least may naiipon ako at hindi na masyadong umaasa sa magulang ko.

Kung gusto kong abutin ang mga pangarap ko, kailangan ko talagang maranasan ang iba’t ibang klase ng hirap. For sure worth it naman sa huli.

You messaged Marah:
“Accck, lugmok na naman ako.”

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now