Chapter 2: Dreams & Promises

65 15 22
                                    

Chapter 2: Dreams & Promises










You messaged Ibarraaaa:

"Aalis na ba tayo?"

"Mga 1 babe, may iniutos pa sa akin eh."

"Okay, chat me when u r done."

"Opo, love you!"

"Love you too!"

Ngayon yung first time naming aalis dalawa na officially kami na. Sabi ko sa kanya pupunta ako ng National Bookstore kasi bibili ako ng bagong calculator. Best friend ko iyong calculator kaya hindi pwedeng mawalan ako, kasi kung wala akong calcu aba goodbye na lang sa pangarap kong makagraduate ng may pasadong grades dito.

Medyo casual lang suot ko. Pink top, black shorts (above the knee pero kasama ko naman sya) and white sneakers. Gusto ko lang maging simple sa first ever date namin na official kami.

Pero hindi alam ng parents ko na si Basti ang kasama ko. Natatakot akong mapagalitan eh.

*messenger notification*

Ibarraaaa messaged you:

"Babe, tara na."

"Oki oki okiii!"

"Ingat! I love you!"

"Salamat po! I love you too!"

Pagkababa ko ng tricycle, nakita ko siya agad. He's wearing white shirt and maroon shorts. For me, mas pogi talaga iyong lalaki pag naka white shirt. Para bang ang linis tingnan.

"Musta midterms??"

"Okay naman Bast. Buti na lang at napasa ko lahat. Ikaw musta?"

"Pasado dinn!!!"

"Yeheyyy! Galing galing! Congrats!"

"Thank youuu! Syempre dahil sa'yo yun."

"Ha? Bakit sakin?"

"Kasi namomotivate mo ako na mag-aral. Na hindi tamarin."

"Awww!! Sarap naman sa ears. Ikaw din naman, namomotivate mo ako. I love you!"

"I love you too."

Sobrang harot niya sa akin ngayon.

"May kasalanan ka ba?"

"Wala, bakit?"

"Ang clingy mo eh hahaha!"

"Gusto ko lang enjoyin kasi ngayon lang ulit tayo nagkita."

"Ahh..." Bigla kong naalala na may sasabihin siya sa akin. Naalala ko rin iyong sinabi niya sa gc namin na pupunta siyang America.

"Basti..."

"Hmm?"

"Ano pala yung sasabihin mo?"

"Ayy oo nga pala. Mamaya na lang."

"Lah?"

"Nasa byahe pa tayo haha walang privacy."

"Edi sana sinabi mo sa akin sa chat."

"Mas gusto ko nga sa personal di ba?"

"Sa bagay... I can sense na super importante ng sasabihin mo."

"Yah," sinabi nya iyon with a sad tone and he sighed.

I'm not sure if it bothers him pero feeling ko sobra siyang naba-bother na kailangan niya pang sabihin sa akin iyon ng personal.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionWhere stories live. Discover now