Chapter 19: He's Back

27 5 0
                                    

Chapter 19: He's Back











Pangatlong araw na ng 2020 ngayon at nauudlot pa rin ang pagkikita namin ni Basti. Lagi kasi siyang hindi pwede at ngayon naman hindi siya pwede dahil aalis ang Kuya nya.

Minsan iniisip ko na rin kung iniiwasan niya ba ako. Pero kung iniiwasan niya ako, bakit naman? Sinusubukan ko na lang intindihin dahil yun na lang din naman ang best na magagawa ko.

Dahil doon, napagdesisyunan ko na lang na pumunta kina Casey para tapusin ang project namin sa Science.

You messaged Ibarraaaa:
"Babe, pupunta po ako kina Casey ah. Tatapusin kasi namin yung project namin sa science."

"Sige po, ingat ka. Nasa tindahan ako."

"Okayy, sige sige."

Gusto ko syang daanan sa tindahan nila pero natatakot ako na baka nandoon yung Mama niya kaya hindi na ako tumuloy at dumiretso na lang kina Casey.

"Hi Candy! Si Ate mo?"

"Naliligo pa Ate, pasok ka muna."

"Sige, sige."

Rio:
"Punta ako ng mga 6."

Venice:
"Sige, sige."

Paglabas ni Casey ay kinuha nya ang laptop nya at ginawa namin ang project namin sa terrace nila. Napakacute ng mini book namin about Ionic and Covalent Bonds dahil ang ginamit naming theme ay Adventure Time. Bonds ang napili naming gawan ng book dahil yun yung trip namin.

"Natapos mo na yung worksheet mo sa Stats?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa nga eh."

"Gawin natin bukas."

"Sige, sige. Ayy sa Linggo punta ka dito ah."

"Bakit?" tanong ko at napaisip ako kung anong meron. Naalala ko na, birthday pala ni Candy.

"Ayy oo nga pala. Sige sige pupunta ako."

"Baka pumunta din parents ni Basti."

"Ayy weh? Hahaha! Magtatago ako."

"Ayaw mong ipakilala ka?"

"Natatakot ako eh haha!"

"Hindi yan. Paano kapag pinakilala ka?"

"Eh di, hi Tita! Hi Tito! Hahaha!"

Nagmerienda muna kami ni Casey bago ituloy ang project namin. Habang kumakain kami, nagonline muna ako at nagulat ako dahil...

Nagchat si Tristan.

Tristan messaged you:
"Hiii Ven!"

"Uyy hello!"

"Haha! Happy New Year btw kahit late na."

"Happy New Year din!" Nakakainis, napapangiti ako habang kausap siya.

"Gusto ko lang tanungin kung saan yung location ng milktea shop na minamarket ninyo."

"Ayy teka lang." Hinanap ko sa phone ko ang time lapse ko ng way papunta sa Milktea shop na yun nang bigla siyang tumawag. Sinagot ko yun.

"Hello!" Nakakamiss yung deep tone ng voice nya.

"Uhm, hello!" Napatingin sa akin si Casey.

"Sino yan?" tanong niya sa akin.

"Si Tristan."

"Weh?" Tumango ako.

When It Fell Apart - "Paglisan" #F&ACompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon