HO 32

14 2 2
                                    

Chapter 32: His story

Odette's POV

After I gave the tape to Angel we went to her new house and I plan to stay here for rest of my life. Before I forget she told me why she's with the Assassins of HO.

Total pagod ako at magpapahinga dito sa kwarto ni Angel. It will buy me some time so lemme tell you.

She said pumunta sa bahay namin noon ang isang lalake na mid-40, a week after akong mamatay before.

Then tinanong siya ng lalake kung gusto niya raw maging isang assassin ng organisasyon.  Hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang offer dahil gusto niya raw akong ipaghiganti and she knew that she can't do that alone kaya tinanggap niya ang offer.

That man introduced himself as William Lancaster. He said that he is known as Beta Cheetah Assassin in the organization.

Iyun pala ang pangalan ni Mr. Cheetah, I never know.

She said she doesn't want any names but Snake. Few people only knew that her code name in the organization was mine before.

Sa tingin ko mas marami pa akong alam na information sa England Royalty Assassins kaysa sa Henosis Organization na mas matagal akong namalagi sa organisasyon na ito.

Anyway ayun na nga, ang latest mission niya bilang si Assassin Snake ay ang mga mercenaries na pumatay sa akin noon which was in the bidding room kanina.

Okay pagod ako, 'yan lang muna dahil matutulog muna ako.

~*~

Third Person's POV

Nagitla ang mga maids ng isang mansion matapos marinig ang pagkabasag ng mga gamit ng kanilang amo, pagbabasag na naman.

Nagtipon-tipon sila sa sala at imbes na takot ay awa ang kanilang nararamdaman. Awa sa amo dahil liban na lang na patay na ang mga magulang nito ay sa hindi malamang dahilan, gabi-gabi itong umiiyak na parang naghihinagpis.

"Ang tagal naman ni manang," nag aalalang saad ng isang maid.

Nagsimula ito dalawang taon at tatlong buwan na ang nakakalipas.  Kung noon malamig ito makitungo sa kanila ngayon palagi na lang itong tulala at hindi makausap. Minsan habang kumakain ito sa kusina ay bigla na lang itong iiyak.

Bumukas ang pintuan ng mansion at pumasok ang mayor doma ng bahay.

"Manang! Manang! Nagbabasag na naman si Master sa kwarto niya!" sigaw ng katulong sa kanya.

Nabitawan ng matanda ang kanyang mga pinamili at dali daling umakyat sa taas.

"Maxim iho!" katok niya sa pinto pero wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na hikbi nito.

Kinuha niya ang duplicate key ng kwarto at binuksan ito. Napatakip siya ng bibig matapos masilayan ang itsura ng binata.

Lumapit  siya dito at napansin naman ito ng binata kaya tinignan siya.

"Manang," ani binata at hinagkan ang matanda.

Hinagod ng matanda ang likod ng binata na lalong nagpaiyak dito.

"Manang, I'm so tired of this! I'm all alone with all my life, manang. My mother died giving birth to me, my father went missing when I turned 8 and now the woman that I love was murdered by my enemies!" iyak ng binata.

Halos memoryado na ng matanda ang mga salitang binigkas nito sapagkat halos gabi gabi itong nagsusumbong sa kanya, same words and emotions.

"Iho sa tingin ko kailangan mo ng malaman ang totoong nangyari sa daddy mo," saad ng matanda sa binata dahilan para mapaangat ito ng tingin.

"W-what do you mean po?" he asked.

"Hindi totoong nawala ang iyong daddy, sa katunayan minsan siyang bumisita dito noong nag aaral ka ng high school-" panimula ng matanda at tumayo ito.

Tumayo rin ang binata at pinagpag ang kanyang damit. Inayos niya ang kanyang buhok na nagusot sa pagwawala kanina.

"What are you talking about manang? You mean buhay pa si daddy? If that's the case then-" napatigil sa pagsasalita ang binata ng hinawakan siya ng matanda sa magkabilang balikat.

"Iho, sandali lang mahina ang kalaban, tsaka patapusin mo muna ako sa pagsasalita," ani matanda.

Humingi naman ng tawad ang binata bago umupo at taimtim na nakinig sa matanda.

"Nung huling bisita ng daddy mo dito noon may ibinigay siyang sulat. Sabi niya ibigay ko raw sa'yo ang sulat na iyun sa tamang panahon-" tumalikod ang matanda bago magsalita "-teka dito ka lang kukunin ko ang sulat," sabi ng matanda at lumabas ng kwarto.

Maya-maya bumalik ito dala-dala ang may pagkalumang papel at ibinigay sa kanya.

"Pasensya na iho kung ngayon ko lang ito ibinigay sa'yo. Sa tingin ko kasi ito na ang tamang pagkakataon eh, tingin ko tama na ang iyong paghihirap na dinanas. Sge iho maiwan na muna kita," saad ng matanda nang mapansin niyang nakatuon na ang atensiyon nito sa papel.

Dear son Maxim,

I'm very sorry for everything, anak. Hindi man ako naging mabuting ama sa'yo sa malapit ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para maprotektahan ka mula sa malayo. I wish in that way, I've shown my love for you, I won't say that it's enough because I know it is not. Also, lahat ng pagkukulang ko sa'yo  ay binuhos ko sa mga kapatid mo. Yes anak you're not an only child because I have my twins with Lauren Walter.

The thing between me and your mother was not love but a pure friendship. My true beloved was Lauren Walter. And your mother was inloved with William Lancaster. I know that you knew him too well because I saw how he loved you as his own everytime I watched you from afar. And I'm afraid to tell you this but I think William has something to say about your mother's death. She did not die giving birth to you.

But before I end this letter can I ask a favor, my son? I know wala akong karapatan para sabihin ito pero nagmamakaawa ako. Please find your sisters and love them the way you loved your mother.

They are Lucy and Tiffany Trinity. Just find Gregory Trinity because he was their legal father eventhough I am their biogical father.

If you ever found him, you will know everything about me because this letter was just a glimpse of my true identity.

I'm sorry anak kung hanggang dito na lang ito. I wish we could talk sometime but I know it's very impossible at alam ko na kung mabasa mo man ito ay maaaring patay na ako.

Your beloved father,
Marcus Langford

"W-what t-the f-fuck?" gulat na gulat niysng pahayag habang nanlalaki ang mata.

Henosis Organization (League of Assassins series, #1) [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz