Chapter 1

167 9 1
                                    

"Hoy, Jeff! Pansin ko lang kanina ka pa tingin ng tingin kay Reign. Baka naman matunaw na best friend ko," reklamo ko sa katabi kong hindi ko na makausap ng matino. Lumulutang na naman ang utak. Palingon-lingon pa sa likod ko na parang may tinataguan.

I rolled my eyes on him. He's being an idiot again.

"Huwag kang magulo! Stay still please! Baka mapansin akong tumitingin sa kanya. Shit, Jenina!" Iritado niyang sabi na hindi tumitingin sa'kin. Nanghahaba na ang leeg nito. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Minumura mo na ako ngayon, ga'non?" Nakataas ang kilay kong saad. Napakamot naman siya ng batok at napapikit.

"Shit ako! Shit ako, Jenina! Hindi kita minumura no. Bakit naman kita mumurahin? That's the least thing that I would do to you, Nini." He frustratingly said. Natawa na lang ako. Defensive masyado ang loko.

Dahil dito ay ginulo ko ang buhok niya. Masama niya naman akong tiningnan at inayos niya ang nagulong buhok. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay kapag pinapakealaman ko ang buhok niya. Ewan ko ba sa lalaking 'to. Ang arte.

Nandito kami sa room at wala pang teacher. As usual maingay, magulo at parang laging may gyera sa room namin sa sobrang kalat ng mga silya. Jusko!

Kaya lagi kaming napapagalitan ng adviser namin eh. Napabuga na lang ako ng hangin. Tumayo ako at akmang aalis na ng hawakan ni Jefferson and braso ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa'kin. Binawi ko and braso ko at humarap sa kanya.

"Kay girl best friend," ngising sagot ko at umalis na.

Jefferson Espinoza is my guy best friend. Nakilala ko siya ng lumipat sila sa subdivision namin. Naging mag-best friend kami kasi lagi silang dumadalaw ng mama at kapatid niya sa bahay namin every weekends. Mag best friends din kasi ang mga mama namin.

Una pa lang ay pansin ko na agad na pinag-mamatch kami ng magulang namin. Aware na kami doon. Pero hindi na namin ito pinapansin. Hinahayaan na lang namin sila dahil alam namin kung ano kami ni Jeff sa isa't-isa. We're just best friends.

Akala din namin dati na mag-pinsan kami kasi sabi niya may kamag-anak daw sila na mga Florencia. Dahil doon ay naging close kami lalo.

Only to find out na hindi pala totoo at gawa gawa niya lang. Bigla akong napairap at umiling.

Pero kahit hindi iyon totoo, minsan tinatawag namin na pinsan ang isa't-isa. Nasanay na kasi kami.

Noon ay lagi kaming inaasar dahil sobrang close namin. At dahil magkapit-bahay lang kami ay sabay kaming pumasok, sabay mag-lunch and of course sabay umuwi. Lagi kaming magkasama at halos hindi na talaga kami mapaghiwalay.

Kaya siguro akala ng mga tao ay may namamagitan sa aming dalawa. Mukha daw kasi kaming mag-boyfriend kapag magkasama. Tinatawanan ko na lang sila sa mga naiisip nila. What should I expect? We're here in the Philippines, lugar na kung saan konting gawin mo lang, issue na agad sa iba. Natigil lang yun ng umamin si Jeff na may gusto siya kay Reign.

Tumayo ako sa tabi ni Reign, my girl best friend, Reign Suarez. Naging mag-best friend kami ng minsang maging mag-partner kami sa isang defense. Busy siya sa pagsusulat ng lecture namin kanina. Sipag talaga ng babaeng 'to. Kaya with high honors lagi eh.

"Jenina, pagsabihan mo nga 'yang best friend mo. I can feel his stares. Damn creepy. Manyak talaga," inis na sabi niya sa'kin na may kasamang pag irap. Hinawi ko ang buhok niyang tumatabing sa mukha niya bago ako umupo. Eksaherada akong napasinghap.

Stupidly In Love (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon