Chapter 9

49 6 1
                                    

"J-jeff.." nautal ako dahil sa klase ng tingin na pinupukol niya sa'kin. Kinakabahan ako sa kanya. Why is he looking at me like I did something wrong?

"Anong oras na?" Seryosong tanong niya sa'kin. Hindi ko nagawang sumagot.

"I'm asking you. What time is it? Bakit ngayon ka lang?"

"K-kasama ko si Jairo. Lumabas kami para mag.. date." Halos pabulong ko na nasabi ang panghuli. Narinig niya pa rin 'yon dahil lalong kumunot ang noo niya.

"Date?" Naguguluhan ako sa ikinikilos niya. Ano ba ikinagagalit niya? Dahil ba late na ako nakauwi? O baka naman, nagseselos ba siya? Agad kong ipinilig ang ulo ko. Imposible ang naiisip ko. No way! Him? Jealous? No way talaga.

"Oo date. Nag date kami. Friendly date lang naman 'yon. Anong problema mo? Bakit ka ba nagagalit?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Halatang natigilan siya sa sinabi ko.

"Tsk." sabi niya na lamang at pumasok sa loob ng bahay namin. Sumunod na ako sa kanya. Sumalubong sa'min si mama na nakaupo sa sala.

"Ma, nandito na po ako." Bati ko kay mama at humalik sa pisngi niya.

"Anak, bakit ngayon ka lang? Nag alala ng sobra si Jefferson sa'yo." Natigilan ako sa huling sinabi niya. Sinundan ko ng tingin si Jefferson na nag deretso na sa kusina.

Ngumiti na lang ako kay mama. "Akyat na po ako sa kwarto, ma."

"Pagkatapos mo mag ayos bumaba ka na at magdi dinner na tayo." Tumango na lang ako at umakyat na sa hagdan.

Pagkapasok ko sa kwarto ay diretso ako sa kama. Inalala ko ang mga nangyari kanina. Napangiti na lang ako ng maalala ang mga asaran at tawanan namin ni Jairo.

Bumangon na ako at nag deretso sa banyo. Nag half bath lang ako ng mabilis at nagbihis na. Over sized t shirt at cotton shorts ang sinuot ko. Lumabas na ako ng kwarto at hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Nakatayo siya at nakasandal sa pader sa tabi ng aking pinto. Nasa bulsa niya ang dalawa niyang kamay. Nakatungo siya at napansin kong nakapikit ang dalawa niyang mata.

Kumabog ang puso ko sa kaba. Anong ginagawa niya dyan? Kanina pa ba siya?

Naramdaman niya ata ang presensiya ko dahil nagmulat siya ng mata. 

"Jeff, anong ginagawa mo dyan? Kanina ka pa ba? Sorry natagalan ako."

Nag angat siya ng tingin kaya nagsalubong ang mga mata namin. Kitang kita ko sa itsura niya na parang pagod siya.

Ngumiti siya sa'kin at nagulat na lang ako ng bigla niya na lamang akong niyakap. Hindi agad ako nakakilos sa pagkagulat. Mahina ko siyang itinulak pero lalo lang humigpit ang yakap niya sa'kin.

"Can we stay like this for a while?" Hindi na ako sumagot sa kanya at dahan dahang niyakap siya pabalik. Mahina kong tinapik ang likod niya.

"May problema ka ba?" Tanong ko. Hindi siya sumagot bagkus ay ibinaon niya ang mukha sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kiliti dahil sa hininga niyang tumatama doon. Sana naman ay hindi niya marinig ang tibok ng puso ko. Sobrang lakas na parang gusto ng lumabas sa dibdib ko.

"Ano yon? Pwede mo naman sabihin sa'kin. Baka makatulong ako." Medyo inalayo ko siya sa'kin. Tiningnan ko ang mukha niya. Ngumiti lang siya at umiling.

"Tara na baka naghihintay na si tita sa baba," tintigan ko pa ang mukha niya. Umalis na siya sa yakap pero inakbayan niya ako. 

"I'm sorry about what happened awhile ago. I'm just worried, Nini. Hindi ako sanay na hindi ka umuuwi sa tamang oras. Bahay-school ka lang kasi eh."

"Okay lang 'yon. Saka sorry din hindi ako nagpaalam sa'yo. Kasama ko naman si Jairo kaya you don't need to worry."

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now