Chapter 2

81 9 0
                                    

"Hi, Tita Janna." Bati ko sa mama ni Jefferson pagkabukas niya ng gate nila.

"Oh,hija pasok ka. Nasa kwarto niya pa si Jefferson. Puntahan mo na lang ha," nakangiti niyang sabi.

"Sige po, Tita." Pumasok na kami sa bahay nila at sinalubong kami ng kapatid ni Jefferson na si Eron na nanonood ng TV sa sala nila.

"Hi, ate Jenina!" Masiglang sabi nito ng makita ako. Nakangiti ito kaya lumabas ang dimple nito sa kanang pisngi. Lumapit ako at pinisil ang matambok niyang pisngi. Ang cute talaga ng batang 'to.

"Hello, cute boy. Where's your kuya?" Tanong ko matapos ko siyang panggigilan.

"Nasa room pa niya po," sagot niya at sumubo ng cereals. Napaismid ako. Letseng lalaki! Anong oras na?! Malelate na kami sa school!

"Diyan ka lang muna baby. Punta lang ako kay kuya mo, okay?" Tumango lamang ito sa'kin. Hindi ko alam kung naintindihan niya ba talaga ang sinabi ko dahil busy na ito sa pagkain ng cereals.

Umakyat na ako sa hagdan nila para makarating sa kwarto ni Jefferson. Sumasakit ang ulo ko dahil alam kong may kung anong pinagpuyatan na naman ang lalaking 'to. Malamang ay video games na naman. Lagot talaga siya sa'kin.

"Jefferson." Tawag ko sa pangalan niya at kumatok ng tatlong ulit.

"Jeff.."

"Jefferson.."

Nakailang tawag na ako sa pangalan niya pero walang sumasagot. Naisipan ko ng pihitin ang doorknob at bumukas naman iyon. Napapalatak ako. Nakalimutan niya na namang mag-lock ng kwarto.

"Jefferson, ano na?! Malelate na tayo! Bakit ang tagal mo-- OMG!" Halos mawindang ako ng makitang natutulog pa ang magaling na lalaki. What the?! Jusko! Ma-le-late na talaga kami!

Lumapit na ako at sumampa sa kama niya. Niyugyog ko ang balikat niya habang tinatawag ang kanyang pangalan. Wala siyang suot na pang itaas na damit pero wala akong pakealam. Sanay na ako sa ganoon dahil lagi naman siyang walang pang itaas na damit kapag natutulog.

"Jefferson! Hanggang kailan ka mahihiga dyan? Late na tayo sa school!" Sigaw ko sa kanya habang walang tigil sa pagyugyog sa balikat niya.

"Hmm? Nini, ano ba? Ang ingay mo. Natutulog pa ako," antok na sabi niya at nagtaklob ng unan sa mukha.

"May pasok tayo kung hindi mo alam," sarkastiko kong sabi sa kanya. Itinigil ko na ang pagyugyog sa kanya dahil gising naman na siya.

"Hindi ako papasok, Nini. Tinatamad ako at inaantok pa ako," Antok na antok niyang sabi. Napakamot na lang ako ng pisngi dahil sa kanya.

"Puyat kasi ng puyat eh," umiirap na sabi ko. Tumayo na ako at umalis sa kama niya. Umirap ulit ako ng bumangon siya at nagpunta sa banyo. Pagkalabas niya ay naka t-shirt na siya at nakapaghilamos na rin.

"Hatid na kita sa labas." Kinuha niya ang bag ko at hinila na ako palabas ng kwarto niya.

"Bye, Tita!" Paalam ko pagkakita ko kay Tita Janna sa kusina. Ngumiti na lamang ito sa akin.

"Bye po, ate Jenina!" Nakangiting sabi sa'kin ni Eron sa sala. Ngumiti ako at kumaway na lamang sa kanya.

"Bye, Nini. Ingat sa pagpasok," sabi niya at hinalikan ako sa noo habang nakapatong ang kaliwa niyang kamay sa ulo ko. Nandoon na naman ang ngiti niyang hindi ko makita ang mata. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napatitig sa mukha niya ng ilang segundo. Pagkatapos niyon ay ngumiti na rin ako at lumabas sa gate nila.

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now