Chapter 18

40 5 1
                                    

"Jeff.."

Nabalot kami ng katahimikan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nanlalamig ang buong katawan ko. Naghahalo na ang aking nararamdaman sa mga oras  na 'to. Kaba, takot at panghihinayang. 

Ang nararamdaman kong pilit kong itinago, bigla-bigla na lang lalabas ng ganito. Hindi na niya dapat malalaman ito eh. Natatakot ako sa maaaring mangyari. I don't want to lose him. I can't.

"Err-- ahm I better get going muna. Couz, punta lang ako sa kwarto ko," sabi ni Krystelle at agad na umalis.

Naiwan kaming dalawa. Isang napakahabang katahimikan ang namayani sa'min. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Jeff.." Kinakabahang tawag ko sa pangalan niya.

"What the hell did I heard? You're what? You're in love with me?" 

Napalunok ako at nagsimula ng makaramdam ng pamamawis ng noo.

"J-jeff a-ano kasi.." hindi na ako makatingin sa kanya. Parang any moment maiiyak na ako.

"Are you.. in love with me?" Matigas na tanong niya. Hindi ako kaagad nakaimik. Tumungo na lang ako. 

"Sagutin mo ako, Jenina," mahinahon pero may diin sa pagsasalita niya. Napapikit na lamang ako. Na-triple pa ang kabog ng dibdib ko. 

"Jenina, answer me." Damn. Anong gagawin ko.

"Jenina." May warning ng mababakas sa tono niya.

"Y-yes.." halos bulong na lang na sagot ko. 

"BULLSHIT!" napapikit ako sa sigaw niya. Nag unahang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit. Ang sakit ng pakiramdam na galit siya dahil na in love ako sa kanya. Ganon niya ba ka-ayaw na mahulog ako sa kanya? Ganon niya ba ka-ayaw sakin? 

"Kelan pa?" Hindi ulit ako nakapagsalita ng ilang segundo. Pinunasan ko na ang mga luha ko.

"Matagal na."

"Matagal na tapos wala kang balak sabihin sa'kin?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nanlamig ako ng makitang ibang-iba ang Jeff na kaharap ko ngayon sa Jeff na kilala ko. The Jeff I used to know always give me a look full of care and tenderness but now all I can see is his eyes full of hatred and disgust. Tumulo ulit ang luha ko. Nasasaktan ako. 

Sobrang nasasaktan ako.

"Jeff kasi.." Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Walang pumapasok sa isip ko kundi takot at pangamba. Hindi ko magawang makapagsalita ng maayos dahil parang may bara sa lalamunan ko. Nanginginig ang mga labi at kamay ko sa kaba.

"Wala ba akong karapatang malaman?"

"Jeff.."

Lumapit na siya sa'kin at hinawakan ang balikat ko. Sobrang higpit ng hawak niya at pakiramdam ko namumula na ang mga balikat ko. Tumungo na lang ako at tahimik na umiyak.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Malamig na tanong niya habang hawak pa rin ako sa balikat.

"Jeff, nasasaktan ako," mas hinigpitan niya ang kamay sa balikat ko.

"Bakit hindi mo sinabi?" 

"Ano ba Jeff, bitawan mo ako! Nasasaktan sabi ako!" Buong lakas ko siyang tinulak.

"Tangina Jenina, sumagot ka! Bakit hindi mo sinabi?!" 

"Wala akong kailangang sabihin." Matigas kong sabi. 

"Anong wala?! Meron! Kailangan. Kailangan kong malaman!" inis na sabi niya. Para saan pa? Para saan pa kung malalaman niya? Para aware siya? Para alam niya na kada nag a I love you siya kay Reign at kada sweet siya kay Reign may isang nasasaktan? Tangina. Tangina niya.

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now