Chapter 11

43 5 0
                                    

"Eh kasi naman kinakabahan ako. Paano kung galit siya? He walked out from me last time. Baka maulit 'yon," kinakabahang sabi niya.

"Huwag ka nga! Si Jeff magagalit sayo?! Oh come on! That would be so impossible! Tigilan mo nga ako." napapairap na naman ako sa kanya.

"Eh kasi naman. Anong gagawin ko? Paano ko sasabihin sa kanya? Kinakabahan ako!"

"Tss. Ako na magsasabi sa kanya na gusto mo siya makausap. Text mo na lang sa kanya kung saan."

"Sure?"

"Yeah. Oo. Yes. Sige. Ako na bahala."

"Yes! The best ka talaga, Jenina!" Sigaw niya at niyakap ako. 

Napangiti na lang ako. 

****

"Nini, bakit hindi pa siya nag tetext sa'kin. Shit naman oh!"

Napakamot na lang ako sa pisngi ko. Kanina pa nagpapabalik balik sa paglalakad si Jeff sa harapan ko. Ako ang nahihilo sa ginagawa niya.

"Hoy! Maupo ka nga dito. Hindi ka mapakali dyan. Nakakahilo ka na ha! Kumalma ka nga muna," sabi ko at inirapan siya.

"Paano ako kakalma, Nini? Kanina pa siya hindi nag-te-text. Kinakabahan ako! Sigurado ka ba na itetext niya ako?" Tipid na lang akong tumango sa kanya. 

Kinuha ko na lang ang cellphone ko na nakapatong sa table. Nang buksan ko ito ay may natanggap akong message kay Reign.

Reign:

Pasabi naman kay Jefferson na magkita kami sa basta alam na niya 'yon! Mamayang 3. Pasabi na lang ha! Thanks Jenina!

Napakamot ako ng pisngi ko. Kanina pa yata niya tinext 'to. Tumingin ako kay Jefferson na hindi pa din mapakali sa harapan ko.

"Jeff.." tawag pansin ko sa kanya.

"Ano?"

"Sa akin pala nagtext," nahihiyang sabi ko sa kanya na may pilit na ngiti. Napatingin siya sa'kin. Lalo lamang lumawak ang pilit na ngiti ko.

"Bakit hindi mo agad sinabi?" Medyo iritadong sabi niya.

"Ayy sorry na. Malay ko ba naman 'di ba. Saka naka silent phone ko eh," naka-pout na sabi ko.

"Tsk." Kinuha niya ang cellphone ko sa'kin at binasa ang text ni Reign.

Magtatanong pa sana ako pero ibinalik niya ang cellphone ko at dali daling lumabas ng bahay namin. Anyare don?

Napatingin ulit ako sa text sa'kin ni Reign. I wonder saan kaya 'yong sinasabi ni Reign dito?

****

Days have passed. At sa mga nagdaang araw na iyon napapansin ko na may nag iba sa pakikitungo ni Reign at Jeff sa isa't isa. Parang ang... sweet nila.

I wonder kung may namamagitan na sa kanila. Kahit mga kaklase namin ay napapansin na ito pero hindi na lang sila nagtatanong.

Napahinga na lamang ako ng malalim at tumingin sa bintana. Malakas ang pagbuhos ng ulan sa labas. 

Kita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin ng aming bintana. Hindi ko makita ang sigla sa mga mata ko. I admit, I hate how things are going between them. But what can I do? Ayaw ko naman silang sirain para lang sa pansarili kong kagustuhan.

Napahinga na lang ako ng malalim at lumingon ako sa direksyon nina Jeff at Reign na masayang nag uusap. Napatigil ang mga mata ko kay Jefferson. I can see how big and bright his smiles are. Ayaw kong mawala iyon.

Mapait akong napangiti. Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa bintana at pinanood na lang ang ulit ang pag buhos ng ulan.

"Jenina!"

Stupidly In Love (Revised Edition)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant