Chapter 29

50 5 1
                                    

Kinakabahan ako. Tutuloy pa ba ako? Napatingin ako sa wall clock. Damn. It's nearly eight o' clock in the evening. Kanina pa ako ready pero hindi ko alam kung pupunta pa ba ako. Bigla akong kinabahan. 

Anong pag uusapan namin? Anong maaari niyang sabihin sa'kin? Natatakot ako sa mga pwede kong malaman. Ang daming what if's sa utak ko. What if sabihin niyang hindi niya talaga ako mahal. What if sabihin niya na niloko niya lang ako. Pinaglaruan. Ginamit. 

Pinunasan ko ang luhang tumakas sa aking mga mata. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako. Tiningnan ko ang bigay niyang papel na halos malukot na ng mga kamay ko. Napatitig ako sa mga huling sinabi niya.

Hihintayin kita. Kahit gaano pa katagal..

Napalunok ako. Napatingin ulit ako sa wall clock. 8 na. Damn. 

Nagtatalo ang utak ko kung pupunta ba ako o hindi. Sinasabi ng isa na pumunta ako kasi baka naghihintay na siya sa'kin. Sabi naman ng isa huwag dahil baka masaktan lang ako. 

Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Shit! What to do?!

Pumikit ako. Napakagat labi ako bago tumayo. Dumiretso ako sa kwarto ni Mama. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto. Nakita ko si Mama na may kausap sa telepono.

"Ma.." tawag pansin ko sa kanya. Tumingin naman siya sa gawi ko at sumenyas na sandali. Humarap siyang muli sa telepono.

"Saglit lang mahal may kailangan yata si Jenina," sabi niya sa kausap na si Papa pala. Humarap siyang muli sa'kin.

"Ano iyon? May kailangan ka ba, anak?" Tanong niya. Napakagat labi ako.

"Ahmm.. magpapaalam po sana ako. Mag uusap lang po kami ni Jeff sa park," sabi ko. Saglit siyang natahimik at tumitig sa'kin. Napa iwas ako ng tingin. Bakit ba minsan nakaka intimidate din si Mama? Kinabahan ako sa tingin niya.

Maya maya ay ngumiti siya. 

"Sige. Take care, alright?" Sabi niya at ngumiti. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Sige po Ma," sabi ko at isinara na ulit ang pinto. Ayoko ng istorbohin si Mama at Papa. Halatang busy eh.

Inayos ang suot kong jacket bago lumabas ng gate. Damn. Ang lamig. Lalo na at kinakabahan pa ako.

Nagsimula na akong maglakad at bawat hakbang ko ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakita kong 8:30 na. Damn. Late na ako ng 30 minutes.

Napapikit ako at dinama ang hangin. Dinivert ko muna sa isip ko ang mga naiisip ko. Itinuon ko na lang ito sa paligid. Mga naggagandahang bahay na napapalamutian ng Christmas lights. Malapit na kasi ang pasko. Next week November na. 

Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang ng una kong makilala si Jefferson. Parang kahapon lang ay best friends lang kami. Parang kahapon lang ay wala pa akong feelings sa kanya. Parang kahapon lang ay hindi pa niya alam na may gusto ako sa kanya. Parang kahapon lang talaga. Hindi ko napansin na ang dami na pa lang nangyari. Hindi yata kayang i-digest ng utak ko kung iisa isahin ko pa silang lahat. Napabuntong hininga na lang ako.

Napatigil ako sa paglalakad ng mapatapat na ako sa park. Nakailang buntong hininga muna ang ginawa ko bago ako pumasok doon.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita siyang nakaupo sa isang bench. Nakapatong ang dalawang siko niya sa kanyang tuhod at nasa noo naman niya ang kanyang mga kamay. Nakatungo siya kaya hindi niya pa ako nakikita. Kinakabahan man ay naglakad na ako papalapit sa kanya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at natriple na yata ang kabang nararamdaman ko habang papalapit na ako sa kanya.

Gosh! Self calm down!

Huminga ako ng malalim ng makalapit na ako sa kanya. Hindi niya pa ata napapansin ang presensiya ko dahil nakatungo pa din siya.

Stupidly In Love (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon