Chapter 16

42 5 0
                                    

Nagising ako dahil sa pagtunog ng alarm clock. What the?! Kailan pa ako nagka alarm clock?! Inis ko itong pinatay at bumangon. Nakakainis! Ang aga pa eh! Alas singko pa lang! 

Sira na tuloy ang araw ko! Nakakairita naman!

Pumasok na ako sa banyo to do my thing. Naligo na din ako at nagbihis na ng uniform. Pagkatapos ko mag ayos ng sarili ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto.

"Ma!" Tawag ko kay Mama habang pababa ako ng hagdan. 

"Oh anak! Halika at kumain ka na ng breakfast."

Pumasok na ako sa kusina at nakita ko doon si Papa na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo.

Tatlong araw na simula ng makauwi dito si Papa. And up until now, I was bothered by what he said to me.

"Jenina, anak." Natigil ako sa aking ginagawa at napalingon ako kay Papa.

"Yes Pa?"

"About sa sasabihin ko sa'yo. But I know you have now an idea about it," napalunok ako sa sinabi ni Papa.

"Pa, pwede bang pag isipan ko po muna? I can't just leave. This is where I belong. Dito ako lumaki. I can't just leave the place I used to call home."

"But Korea is your home too."

"Pwedeng pag isipan ko pa po?" Tumango ito sa'kin.

"I will give you a month. Sa susunod na pagbalik ko dapat may sagot ka na. Do you understand?" I nodded.

"Okay po."

One month. Is it enough?

"Good morning, Pa. Good morning, Ma" bati ko.

Tumango lang si Papa sa'kin at nginitian ako ni Mama.

"Ma, kayo po ba ang naglagay ng alarm clock sa kwarto ko?" Tanong ko habang napapakamot sa pisngi.

"Alarm clock? Hindi, anak."

"Baka naman ikaw, Pa?"

"I didn't even enter your room last night, anak."

"Po? Pero kung hindi po kayo ay sino?" Tumingin sakin si Mama habang naglalagay ng sinangag sa dining table. Naupo na ako at kumuha ng baso para magtimpla ng gatas.

"Baka si Jefferson. Siya ang nagdala sayo sa kwarto mo kagabi eh. Hindi mo ba tanda? Sabagay tulog ka na non eh," natigilan ako sa sinabi ni mama. Si Jeff? 

Kikiligin na sana ako kaso naalala ko na kung siya ang nagdala sa akin sa kwarto ay malamang siya nga ang naglagay ng alarm clock. Napairap na lang ako sa hangin.

Hindi naman hamak na mas maaga ako magising sa kanya no! Nakakainis siya. Baka nga kagigising lang non ngayon eh. Napairap na lang ulit ako sa hangin.

Nagsimula na akong maglagay ng sinangag sa pinggan ko. Uminom na lang ako ng gatas at hindi na inalala ang alarm clock. Umiinit lang ang ulo ko.

"Hello po tita, tito. Hi Nini, good morning!" Halos masamid ako sa iniinom kong gatas ng bigla na lamang siyang pumasok sa kusina. 

Ang lawak ng ngiti ng loko. Tingnan natin kung makangiti ka pa kapag binalatan na kita ng buhay. 

Naningkit ang mata ko sa kanya. Lumapit naman siya sa'kin at ano pa ba? Edi ipinatong na naman niya ang kamay niya sa ulo ko. Inis ko iyong inalis.

"Sabayan mo na kami kumain, hijo." sabi ni Papa.

"Hindi na po tito. Kakakain ko lang po sa'min. Hihintayin ko na lang po si Nini sa sala niyo," bakit ba ngiting ngiti siya? Mukhang timang lang. 

Bago siya lumabas ng kusina namin ay nilingon niya pa ako.

Stupidly In Love (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon