Chapter 26

46 5 0
                                    

Nagising ako na may malawak na ngiti sa labi. Kahit pa natatamaan ang mukha ko ng sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko ay hindi ko ito pinapansin.

Hindi ko mapigilan ang kilig na nararamdaman ko sa tuwing maaalala ko ang nangyari kagabi. Kahit kulang ako sa tulog ay pakiramdam ko gising na gising ako. 

"Jenina, mahal kita. Mahal na mahal."  Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Ang sarap marinig ng mga salitang iyon. Lalo na at galing sa taong mahal na mahal mo. 

Kumalas ako sa yakap ng may maalala ako. Nagsimulang pumasok sa isip ko ang mga tanong. 

"Paano si Reign? I thought you love her? How come you're in love with me when you're in love with my bestfriend?" Hindi siya agad nakasagot sa'kin. Bumalot ang sakit sa aking buong sistema. Umiling ako sa kanya.

"You're not in love with me. You are lying, Jeff," mahinahong sabi ko. Mataman siyang tumitig sa'kin. Nag iwas ako ng tingin at naglakad palayo sa kanya. 

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako sa paglalakad. What is it now? Anong pang kasinungalingan ang sasabihin niya?

"Mahal kita Jenina. Please believe me, baby.." Marahas akong lumingon sa kanya. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha.

"You are in love with Reign. How could I believe you? Please Jeff don't give me false hope. Don't supply me with lies. Don't say you love me if you don't really feel it."

"I love you, Jenina. I really do. Si Reign, were just friends. Hindi totoo na nililigawan ko siya. We lied. It's you that I love since then," hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pilit akong iniharap sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha ko. 

"Jenina, listen. Ikaw ang gusto ko. Natakot lang ako kasi hindi mo ako gusto, kasi si Jairo ang gusto mo noon. I'm stupid for making up that plan and hell I couldn't take it back anymore. It hurts to see you hurting. I made a fucked up decision and I am so sorry."

Napatitig ako sa kanya. He is confessing. I don't know what to say. Hindi niya talaga niligawan si Reign at nagpanggap lang sila. Maniniwala ba ako kung parang totoong-totoo ang ginagawa nila noon.

"Jeff.. baka naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo. Baka naman akala mo lang mahal mo ako kasi hindi ka sanay na hindi tayo magkabati this past few days. Baka naman gusto mo lang kalimutan si R-reign." halos pabulong ko na lang nasabi yung huling pangungusap. Sobrang sakit kung ganoon nga. Tinanggal ko ang mga kamay niya sa pisngi ko. Tumungo na lamang ako at nagpunas ng mga luha. Naramdaman ko naman ang yakap niya. Hinihimas niya ang buhok ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"Don't say that. I love you and I will never use you to forget about her. I love you and please believe that. I love you, Jenina. Mahal na mahal kita," rinig ko ang mabilis na pintig ng puso niya katulad ng puso kong hindi ko na maawat sa pagwawala sa  loob ng dibdib ko. 

Susugal ba ako? Pinakinggan ko ang tibok ng puso ko. Siguro nga sa pagkakataong ito sundin ko naman ang puso ko. Sundin ko naman ang isinisigaw nito. Humarap ako sa kanya at bahagyang ngumiti. 

"Mahal din kita," at last. I finally said it. Ang sarap sa pakiramdam. Napangiti na lamang ako. Mas humigpit ang yakap niya sa'kin. Gumanti na din ako ng yakap sa kanya. 

Humarap siya sa'kin na malawak ang ngiti. He slowly leaned his face and I closed my eyes the moment our lips met.

I love this man so much. Mas lumawak ang ngiti ko. Mahal niya ako at mahal na mahal ko siya. Happy ending na ba ito?

Stupidly In Love (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon