Chapter 25

40 6 0
                                    

I was busy thinking about my decision. Though alam kong walang mali sa desisyon na pipiliin ko dahil ito ang tama. At saka parang wala rin naman akong pagpipilian kundi ang pumayag dahil iyon talaga ang dapat kong gawin. Binibigyan lang ako ni Papa ng time para maging handa ako sa pagharap dito. Kaya dapat hindi ko siya biguin. Business over something else. I should prioritize my future first.

Business over love.

Nawala ako sa pag iisip ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Si Ate Layla iyon na may dalang mga damit na tuyo na.

"Lagi ka na lang kulong dito sa loob ng kwarto mo. Lumabas ka na at magtatanghalian na tayo."

"Sige po Ate," tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko na nasa lamesa. Tinulungan ko si Ate Layla sa paglalagay ng damit ko sa closet.

Nang matapos kami ay sabay na kaming lumabas. Dumiretso na ako sa kusina dahil si Ate Layla ay pupunta pa sa labas at kukunin ang ibang sinampay.

"Ma.." tawag ko kay Mama na nagluluto. Lumingon siya at ngumiti.

"Kelan po uwi ni Papa dito?" Tanong ko.

"Hindi ko pa alam anak eh. Ready ka na ba sa pagha-handle ng kompanya natin doon?" Natahimik ako sa sinabi ni mama. Ready na ba talaga ako? Huminga ako ng malalim.

"Yes Ma. Ready na po ako."

"Well, that's good to hear. Paabot naman ako ng manok dyan," agad akong sumunod sa iniutos ni Mama.

"Kumusta nga pala ang mga manliligaw mo?"

"Hindi ko po alam," sagot ko. Tumingin saglit sakin si Mama pero hindi ito nagsalita.

"Ma.."

"Hmm?"

"Bakit ka pumayag na ligawan nila ako kahit alam mong aalis ako?" Humarap sakin si Mama.

"I just want you to be happy," sagot niya. Napabuntong hininga na lamang ako.

Happy? Paano kung hindi naman ako masaya? Paano kung lalo lang akong nahihirapan dahil dito.

****

"Hi babe!" Masayang bati ko sa kanya pagkasagot niya ng Skype.

"Ako dapat ang tatawag sayo eh kaso naunahan mo ako. May surprise pala ako sayo," sabi niya at halatang excited.

"Ano naman yon?"

"Gaga! Surprise nga eh! Saka mo na malalaman yon. Hahaha!"

"Parang kinabahan naman ako bigla diyan sa surprise mo ah," natatawa ding sagot ko.

"Don't be. Siguradong matutuwa ka sa maganda kong balita," nakangiti niyang sabi.

"Sige, na-e-excite na tuloy ako."

"Oh gosh! Bye na pala, babe. I need to go. May pasok pa ako," nagmamadaling sabi niya.

"Sige bye," tumango naman siya at pinatay na ang Skype. Napahiga na lamang ako sa kama.

Ano kaya 'yong surprise niya? Na-excite naman ako bigla. Pinikit ko ang mga mata ko. Pero napamulat ako ulit ng may maalala ako. May bibilhin pa nga pala ako para sa project.

Napabangon ako bigla. Shit! Anong oras na?! Automatic na napatingin ako sa wall clock sa kwarto ko. 7:30 pa lang. Buti naman.

Agad na akong tumayo at kinuha ang gray hoodie jacket na nasa closet. Kinuha ko na din ang pitaka ko at lumabas na ng kwarto.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Sana naman ay bukas pa doon. Bakit ba kasi ngayon ko lang naalala?!

"Ma! May bibilihin lang po ako!" Pagpapaalam ko pero wala si Mama sa kusina at sa sala. Nasaan na 'yon? Tumakbo na ako sa labas. Nakita ko si ate Layla sa may labas at nagtapon ng basura.

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now