Chapter 17

40 5 1
                                    

Tulala lang ako ng makarating ako sa bahay. Hindi ako sumagot kay Ate Layla ng kausapin niya ako pagbukas niya ng gate. Hindi man lang ako sumulyap sa kanya.

Wala akong ganang magsalita. Sumasakit ang lalamunan ko sa pagpipigil na umiyak. Inilock ko ang kwarto ko pagkapasok ko doon.

Dumapa ako sa kama at doon na bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hinayaan kong umiyak ang sarili ko dahil baka sakaling mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Sobrang bigat sa dibdib. Lalo na ng maalala ko ang mga narinig. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.

Kumirot ang puso ko ng pumasok sa isip ko ang magkayakap nilang katawan.

I love him and I hate it.

Akala ko nitong mga nakaraang araw ay may pag asa na ako sa kanya. With his sweet gestures and his baby girl. Umasa ako. Akala ko kasi meron na. Kahit konti. Pero tangina lang. Umasa ako sa wala!

Saglit kong nakalimutan ng mga panahon na yon na may Reign nga pala. Hindi nga pala ako ang gusto niya. Hindi dapat ako nagpadala sa nararamdaman ko.

But..

Fuck those sweet gestures. Fuck those smiles! Fuck his care! Fuck that baby girl!

Tangina. Tangina lang! Nakakagago.

Bakit ba kasi sa kanya pa ako nagkagusto? Bakit ba kailangan ko pang mahulog sa maling tao? Bakit ba kailangan ko pang masaktan ng sobra?

Tanga ako. Tanga tanga ako. Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ng sobra ngayon. Sa halip na pigilan ko kasi ang tanginang nararamdaman ko sa kanya ay isinige ko pa rin. Oh eh ano nangyari? Umiiyak at nasasaktan ako ng dahil sa kanya.

Tangina.

Why do I have to fall inlove with him? Bakit siya pa? Bakit sa taong hindi ko pwedeng magustuhan? Bakit sa taong may gustong iba? Bakit sa bestfriend ko pa? 

Nakakagago talaga ang pag ibig. It makes us fall in love with the person we can't have.

Sa pag iisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

****

Hindi ako pumasok kinabukasan. Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Namamaga ang mata ko sa walang tigil na pag iyak kagabi. Hindi ko hinarap si Mama dahil makikita niya ito. Idinahilan ko na lang sa kanya na masama ang pakiramdam ko. 

Partly ay totoo naman ito dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Sobrang bigat ng dibdib ko. Nakakulong lang ako sa kwarto at hindi lumalabas. Dinadalhan lang ako ng pagkain at gamot ni Mama.

Kaninang umaga ay sinundo ako ni Jeff dahil sabay daw kaming papasok.

"Ayy naku Jeff, hijo. May sakit kasi si Jenina. Masama ang pakiramdam kaya hindi siya papasok ngayon," rinig kong sabi ni Mama.

Nasa labas ako ng kwarto at nakasilip lamang sa kanila. Nang marinig kong dumating si Jefferson ay agad akong lumabas ng kwarto. Pero hindi ko gustong makita niya ako kaya nanatili na lang ako dito.

Kita ko ang pag aalala sa mukha ni Jefferson ng marinig ang sinabi ni mama.

"Ganon po ba? Pwede ko po ba siyang puntahan sa taas?" 

"Sige hijo," nanlaki ang mata ko. Dali dali akong pumasok sa kwarto. 

Biglang sinalakay ng kaba ang dibdib ko. Hindi niya ako pwedeng makita na ganito. Shit! Anong gagawin ko?!

Nang makita ko iyong kama ay dali dali akong sumampa doon at nahiga. Inayos ko ang kumot sa akin. Nang maayos ko na ang posisyon ko ay ipinikit ko na ang aking mga mata.

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now