Chapter 12

41 5 0
                                    

Dali dali ako sa pagbaba ng hagdan ng malamang nasa Skype si papa. Shit! Na-e-excite ako!

"Hi Papa!" Bungad ko kaagad ng makaupo ako sa tabi ni mama. Kinuha ko kay mama ang laptop at ipinatong ito sa hita ko.

Nakita kong natatawa si papa sa screen at maging si mama ay natatawa sa tabi ko.

"Pa, miss na po kita. Kailan ka pupunta dito?" Nag pout pa ako kay Papa.

"Soon princess. Miss na rin kita. Oh, where is that cute little angel?" Ang tinutukoy ni Papa ay si baby Iris. Katulad sa daddy nito ay spoiled rin ito kay papa. Siyempre first apo eh.

"Wala papa. Nasa kanila. Ewan ko pa po kung kailan ulit sila pupunta dito."

"Mahal, kumusta naman ang business natin diyan?"

"Ayos naman, mahal. Medyo nagkaproblema lang last week pero okay na naman ngayon. Nasolusyunan ko naman agad bago pa lumaki ang problema."

"That's good to hear, Mahal."

Lumawak ang ngiti ko. Sa tuwing maririnig ko ang tawagan nina mama at papa ay sobrang kinikilig ako. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ako rin ba ay makakaranas ng ganoon. Mabuti pa ang ate ko, nakatagpo ng kuya Ivan na mahal na mahal siya.

Natigilan ako ng maalala ko ang isang bagay.

"Pa.."

"Hmm?" Sagot niya at uminom ng kape.

"Ano po 'yong sasabihin niyo sa'kin last time, Papa?" Buti na lang naalala ko.

"Ah 'yon ba. Pag uwi ko na lang dyan saka ko sasabihin sa'yo, okay?" Sabi niya at umango naman ako.

"Jenina, hija, hinahanap ka ni Jairo, 'yong kaklase mo." Napatingin ako sa pinto ng magsalita si Ate Layla. Kasama niya si Jairo na nakatayo rin sa may pinto.

"Sige po, ate. Salamat po," Ibinaba ko na ang laptop sa center table.

"Pasok ka Jairo, hijo," sabi ni mama. Ngumiti naman si Jairo bago pumasok sa loob at lumapit sa'kin.

"Hello po, tita. Hello, tito. Pwede po ba na mahiram si Jenina? Pupunta po kami kina Jefferson. Pina pasundo po siya sa'kin."

"Sige lang," sagot ni mama, Tumingin ako kay Papa sa screen at tinanguan niya naman ako. Ngumiti ako sa kanila at tumayo na.

"Tara na!" Excited kong sabi at hinila na si Jairo palabas.

"Take care!"

"Bye, ma! Bye, pa! I love you!"

****

Pagkarating namin kina Jefferson ay nakita ko sila ni Reign sa garden. Doon kami dumiretso ni Jairo.

"Kanina pa kayo dito?"

"Hindi naman. Kani kanina lang kami." Tumango ako kay Reign. Naupo ako sa katabing silya niya.

"Jeff si Tita?"

"Nasa loob," sagot niya at ginulo ang buhok ko. Agad ko naman iyong inalis.

"Punta lang muna ako kay tita sa loob," sabi ko at tumayo na.

Naabutan ko si tita Janna na naghahanda ng meryenda. Nang makita niya ako ay ngumiti siya agad at sinenyasan ako na lumapit na agad ko namang sinunod.

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now