Chapter 24

47 5 3
                                    

Tumitig ako sa kanya ng ilang segundo. Kumikirot ang puso ko sa mga sinasabi niya.

Nag iwas ako ng tingin.

"Jeff please.. stop this," sabi ko.

"No Jenina. Please bumalik ka na sa'kin. Huwag na tayong ganito. Miss na kita. Miss na miss na kita." nakatungong sabi niya. Bakas na bakas sa boses niya ang lungkot. 

Napalunok ako. Hindi ako makapagsalita sa sinasabi niya.

May parte sa utak kong sinasabing pumayag ako. That I should. I should grab this chance. Chance to be with him. Chance to be loved by him. Chance to be together.

Hindi na dapat ako nagpapaliguy-ligoy pa. Ito na yung matagal na bagay na pinapangarap ko. Ang mahalin niya rin ako pabalik. 

Pero..

Pero may mas malaking parte sa utak ko na nagsasabing hindi.

Hindi pwede. Mali ito. I shouldn't.

Masasaktan lang ako. Masasaktan lang niya ang sarili niya. Masasaktan lang namin ang mga sarili namin. He's in love with someone else. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa kanya. Ayokong mahalin niya ako dahil lang mahal ko siya.  We don't deserved each other. 

Umiling ako sa kanya. Alam kong ginagawa niya lamang ito dahil ayaw niya lang akong mawala. Hindi lang siya sanay na ganito kami. Kahit naman ako eh. Pero alam namin pareho na hindi na kami mababalik sa dati kasi nga nahulog ako. Hindi 'yon ganun kadali. 

Parang pagtatanggal lang yan ng feelings, hindi madali. 

Hindi na namin mababalik yung closeness namin. Magiging awkward na kami sa isa't-isa hanggang sa dumating ang araw na may magsawa sa'min. Hindi na kasi namin magagawa ang mga bagay na ginagawa namin na noon ay walang awkwardness.

Kaya mas mabuti pang sa umpisa pa lang ay itigil na ito.

"Jeff.. aalis na ako. B-baka hinahanap na ako sa amin," nauutal na sabi ko na hindi makatingin sa kanya. Agad akong tumayo at aalis na sana ng maramdaman kong hinawakan niya ang kamay. Hindi ako lumingon sa kanya at tumungo na lang.

"Nini... please," halos nagmamakaawa na ang boses niya. Napalunok ako sa bigat ng dibdib na nararamdaman ko. Hindi na ako lumingon sa kanya dahil ayokong makita ang malungkot niyang mukha.

"Just let me go, Jeff." mahinang sabi ko. 

"N-nini.." Lumingon na ako sa kanya pero pinagsisihan ko din iyon. His looks. He's almost pleading. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

"Please.." sabi ko. Kumirot ang puso ko ng luwagan niya ang hawak sa kamay ko. Pagkakataon ko na iyon para makaalis. Agad akong naglakad papalayo. Papalayo sa kanya.

Nasa tapat na ako ng gate ng bahay namin ng magtuluan ang mga luha ko. Nasasaktan ako. Ito ang gusto ko. Pero ang sakit. Bakit ba minsan kung alin yung tama, 'yon pa 'yong sobrang nakakasakit. 

Ayokong umasa sa kanya. Ayokong umasa sa mga sinasabi niya. Ayokong masaktan ulit. Ayokong makasakit. Kung papayag ako, masasaktan ko 'yong isang pinaka importanteng tao sa buhay ko, si Reign.

I don't want to hurt her. Ayoko rin na magalit siya. Hindi ko kayang harapin kung magagalit siya sa'kin. She had him first. And they love each other.

Ako? Ano ba niya ako? I'm just his best friend. 

Huminga ako ng malalim at tinuyo ang mga luha ko. Pumasok na ako sa bahay namin. 

Why do I have to be in this position? Yung taong mahal ko nag ooffer ng pagmamahal kahit alam namin pareho na may mahal siyang iba. Then there is someone who is waiting for me to love him back. Ang hirap. Sobrang hirap.

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now