Chapter 8

44 6 0
                                    

"Paano mo pala nalaman 'yan?" Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Reign.

"Huh?"

"Yong mga paraan malaman mo kung in love ka na ba talaga sa isang lalaki. Are you in love?" Tanong niya habang nakangisi. Nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi ako in love kay Je--"

"Sus! In love ka na kay Jairo no! Hmm.. ikaw ha!" Tumatawang sabi niya. Natigilan ako. Oo nga pala, si Jairo ang alam niyang gusto ko.

"Hindi. Hindi ako in love don. Ako ka ba, love is a powerful word. 'Wag mo iyang basta na lang sabihin. Mawawala ang deep meaning non kung tingin mo ay in love ako dahil lang sa sinabi ko."

"Ang dami mong sinabi," natatawa niyang sagot. Ngumuso ako.

"Bakit mo pala tinatanong kung ano ang pakiramdam ng in love?" Tanong ko. Natigilan siya. Maya maya ay sumagot din.

"May kilala lang akong confuse sa nararamdaman niya."

"Sino naman?"

Hindi siya sumagot. She stared at me. "Alam mo ang tanga niya," bigla niyang sabi.

"Bakit naman?"

"He's doing it the wrong way. Makakasakit lang siya in the end," seryosong sabi niya. Hindi na ako nakapag salita.

"And you are right about the last part. That idiot is willing to see her smiles even if he's not the reason behind it." Pagpapatuloy niya pa.

Sino kaya ang tinutukoy nito?

****

Nakaupo ako sa damuhan sa ilalim ng isang puno. Nanonood sa mga player ng volleyball. Kasali dito si Reign kaya naisipan kong manood na lamang ng practice nila.

Pero alam kong wala sa laro nila ang isip ko. Okupado ito sa problema ko kung paano mawawala ang kung anumang nararamdaman ko kay Jefferson. This needs to stop.

Tumingin ako sa langit at pumikit. What should I do?

Nagmulat ako ng mata ng maramdaman kong may tumabi sa'kin. Ngumiti siya at nanood na din ng mga nagvo volleyball.

"Patabi ha," sabi niya at tumingin sa'kin. Tumango na lamang ako.

Bakit kaya hindi na lang si Jairo ulit? Bakit kailangang mawala yung feelings ko sa kanya? Edi sana walang complications. Wala sanang problema. Wala ako masasaktan. Hind ako masasaktan.

"May problema ka ba?" He asked. I looked at him.

"Huh? Bakit mo naman natanong?"

"Kanina pa kita pinagmamasdan. Halatang malalim ang iniisip mo. You can tell me. We're friends right?" Napangiti ako sa kanya.

"Wala lang 'yon. Hindi naman importante. I'm okay."

"Tama nga 'yong sinabi sa'kin ni Jefferson. Hindi ka nga mahilig magsabi ng problema mo," natatawang sabi niya. Natawa na lang rin ako.

"'Yon ba? Kasi pakiramdam ko hindi naman ako maintindihan ng mga kaibigan ko kapag nag open up ako sa kanila ng problema. Sana'y akong magisa ko lang hinaharap at sinusulusyunan ang mga problema ko. Natatakot ako na kapag nag open up ako sa kanila, husgahan lang nila ako." Mahabang sabi ko. Hindi talaga ako sana'y na nagsasabi ng problema kay Reign at Jefferson. Ni minsan ay hindi ko pa ito nagagawa. Pero sila lagi silang nagsasabi ng problema nila sa'kin. Am I being unfair? I don't know.

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now