Chapter 23

45 4 0
                                    

What the hell?!

Why is he here?! Napalingon sa'kin ang mga kaklase ko. Siyempre tinawag ako ng gwapo kunong lalaking tinitilian nila. Kilala ako ng bago nilang crush. 

Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako. Kumaway pa ito sa'kin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Pero ang isa pang loko nginitian lang ako.

"Kilala mo siya, Jenina?" Tanong sa'kin ni Aghot na nasa unahan ko. Nagkibit balikat lang ako.

"Kyaaah! Nakakakilig naman napapalibutan si Jenina ng mga gwapo!" Napataas ang kilay ko. Sino naman ang sinasabi niyang 'mga gwapo'?

"Nakaka-inggit!" Sigaw ng ilan.

"Quiet class. Mr. Lee you may seat beside Ms. Florencia," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni ma'am. What?! 

Ngiting ngiti siya ng makalapit sakin. Oh gosh! This can't be!

"What the hell?" Bungad ko sa kanya pagkaupo niya. Ngiti ang isinukli niya sakin.

"I miss you too, sweetheart." Inirapan ko siya. Panibagong makulit na tao sa buhay ko. Matahimik pa kaya ako nito?

"Pwebe ba? Tigilan mo ako.," sabi ko sa kanya. 

"Ayoko," sagot niya. Kahit lumaki siya sa South Korea ay marunong siya magtagalog dahil ang Mommy niya ay Filipina. Inirapan ko ulit siya.

Idinipa niya ang braso at idinantay sa upuan ko. Ang itsura tuloy para siyang naka-akbay sa'kin. Kaya iniwasan ko ang sumandal sa upuan. I don't want to give him a damn satisfaction. 

Nagulat ako ng lumapit siya sa'kin at bumulong sa tenga ko.

"Now that I'm here I won't restrain myself from moving. Liligawan kita in any ways I know. I love you so much, sweetheart." Hindi na ako makasagot sa mga sinasabi niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin bago inirapan.

****

"Nini! Sino yon?!" Hindi ko nililingon si Jefferson. Kanina pa siya tawag ng tawag sa'kin pero hindi ko nililingon o pinagtutuunan ng pansin. Bahala siya. Bahala sila.

"Nini! Look at me! I'm asking here! Sagutin mo ako!" Medyo iritado ng sabi niya. Ge lang mainis ka. I don't care anymore. Bahala na kayo.

Bigla na lang may humawak sa balikat ko at iniharap ako sa kanya. I gave him my poker face. 

"Who's that bastard?" Hindi ko siya sinagot. Kita ko ang pag igting ng panga niya. 

"I'm asking you, Jenina. Sino yon?" Tinabig ko ang kamay niya sa balikat ko.

"None of your business," walang emosyong sagot ko. Tinalikuran ko na siya at naglakad na ulit.

"Jenina please let's talk. Kahit konting minuto lang. Please," halos nagmamakaawa na ang boses niya. Hindi ko siya pinakinggan. Bumibigat na naman ang pakiramdam ko. 

"Jenina please," ramdam kong parang may bumabara sa lalamunan ko.

"Nini.." tumungo na ako at naramdaman kong tumulo na ang luha ko. Why is he damn doing this? Naramdaman kong may mga brasong pumulupot sa'kin. Natigilan ako sa higpit ng mga braso niya. He's damn hugging from behind.

"Please Nini, don't be like this. Don't push me away. Nasasaktan na ako, Nini," isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. How could he say that. He's the one whose pushing me away. Not the other way around. He's the one whose hurting me so much. 

Pilit kong tinatanggal ang braso niya sakin. Pero hindi niya ako hinahayaan at hinihigpitan niya pa ito.

"Stop this Jeff. You've told it yourself before, we will never be the same again. Stop this please," umiiling ito habang nakasubsob sa leeg ko. 

Stupidly In Love (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon