Chapter 3

58 7 3
                                    

Maaga akong nagising ng umagang iyon. It's not my usual time to prepare to go to school but I need to. Nag-last look pa ako sa sarili ko bago lumabas ng kwarto.

"Aalis ka na? Ang aga mo naman," bungad sa'kin ni Ate Jam na nasa sala at nakaharap sa kanyang laptop. Buhat niya ang kanyang 3 years old na anak na si baby Iris na naglalaro ng manika. Lumapit ako at hinalikan sa noo si baby Iris na wala namang pake sa'kin dahil busy siya sa manika niya. Hinalikan ko naman si Ate Jam sa pisngi bago ako tumayo at naglakad paalis.

"Bye Ate! Bye baby!"

"Kumain ka na!?" Pahabol na tanong pa nito sa'kin.

"Yup!" Sagot ko mula sa labas.

Nang mapadaan ako sa bahay nina Jefferson ay nakita ko si nanay Dalia, ang isa sa mga katulong nina Jeff, nagdidilig ito ng halaman sa harap ng bahay. Nang makita niya ako ay ngumiti siya.

"Oh naku, Jenina hija! Naliligo pa lang si Jefferson. Pwede kang maghintay sa loob. Tutal ay maaga pa naman. Halika sabayan mo sa pag aalmusal sina Janna sa loob," anyaya niya sa'kin pero agad akong umiling.

"Hindi na po, nay. Aalis na po ako. Pakisabi na lang po kay Jeff na umuna na po ako sa kanya sa pagpasok sa school."

"Ah ganon ba, sige ingat ka, hija." Tumango ako at ngumiti bago umalis.

Habang naglalakad ay iniisip ko na ang maaari kong gawin mamaya. Napapangisi na lang ako. Halos hindi na ako makatulog kagabi sa kakaisip sa kung ano ang pwede kong gawin para mapaglapit sina Jefferson at Reign.

Something popped up in my mind. It sounds cliché at maraming beses ko na itong napanood sa mga movies but I just wanna give it a try.

Nang makarating ako sa room namin ay si Reign agad ang hinanap ko. Madali ko lamang siya nakita kasi tatlo pa lang kami sa room. Sobrang aga pa kasi.

Nakita ko siyang nakaupo sa seat niya at nagce-cellphone. Kinawayan ko ang isa naming kaklase na naka earphone. She waved back. Lumapit na ako kay Reign at kita ko ang pagkagulat niya ng makita ako.

"Wow himala ba 'to? Ang aga mo," sabi niya na nagpanguso na lang sa'kin. Nakakagulat ba talaga? Kung sa bagay usually kasi ay malapit na mag time kapag pumapasok kami ni Jefferson. Ang bagal kasi kumilos ng isang 'yon. Dinaig niya pa ang babae sa tagal. Baka nga tama si Reign, bakla nga siguro ang isang 'yon.

"Nakakasakit ka naman ng damdamin. Niaaway mo ako." Nag pout pa ako sa harapan niya at pinagmukha ko pa ang sarili ko na parang inaping bata. Ngumiwi siya sa'kin na kalauna'y naging mahinang tawa.

"Inano kita?" Maang maangan niya pang tanong habang natatawa pa rin. Inirapan ko na lamang siya.

"Grabe ka! Excuse me, si Jeff ang mabagal kumilos no, hindi ako. Ganito rin siguro ang pasok ko dati kung hindi ko kasabay 'yon!" Nakita ko siyang tumingin sa pinto bago ulit humarap sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Speaking of. Papasok ba siya ngayon?" Nag aalangan pa siya kung itatanong ba 'yon. Binigyan ko naman siya ng nakakalokong ngisi.

"I bet it's not the curiosity anymore. Kahapon mo pa siya hinahanap," pang aasar ko. Inirapan ako nito.

"Ang weird lang na hindi mo kasama 'yon. Halos hindi na kaya kayo mapag-hiwalay. Daig niyo pa ang mag-jowa."

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now