Chapter 20

38 4 2
                                    

Days have passed and nothing changed. Hindi pa rin kami nagpapansinan. Wala pa ring kibuan. Ni sulyap ay wala akong natatanggap. And it feels like hell. 

Sa tuwing naiisip ko siya ay nalulungkot ako. Sa tuwing naaalala ko ang mga ngiti niya ay kumikirot ang puso ko. Sa tuwing naaalala ko siya at ang mga pinagsamahan namin ay naiiyak ako.

Nasanay kasi akong nandyan siya palagi. Nasanay ako sa presensiya niya. Nasanay ako sa kanya. 

Kaya ngayong hindi niya ako pinapansin ay sobra akong nasasaktan. Miss ko na siya... sobra.

A knocked in the door interrupted my thoughts.

"Couz dear? Are you busy? Can I come in?" Hindi na ako nakasagot dahil agad bumukas ang pintuan at pumasok si Krystelle.

"Kanina ka pa dito sa room mo. What are you doing ba?" Lumapit siya at nahiga sa kama ko.

"Wala naman."

"Hindi ka man lang ba nabobored dito sa room mo? Gosh! Sobrang tahimik kaya dito," Sabi niya at bigla na lang dumapa sa kama. Nakatukod ang mga siko niya sa kama ko samantalang ang mga palad niya ay nasa kanyang baba.

"Hindi naman. Sanay na ako." She exaggeratedly rolled her eyes on me. Napa poker face na lang ako.

"Boring!" She rolled over at ngayon ay nakaharap na ulit siya sa kisame. Ako naman ay pumangalumbaba na lang sa mesa. May maliit kasi akong lamesa dito sa kwarto ko. Dito ako nag aaral at naggagawa ng assignment.

"What if we go shopping kaya! Kyaaaah! Brilliant idea!" Sabi niya at tumayo sa kama. Bakit ba ang hyper niya ngayon?

"Ayoko. Tinatamad ako." nagpout naman siya sa harap ko.

"What's new? You're always tinatamad naman," may hinanakit pa na sabi nito. Ang arte niya talaga. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Couuuuz!" parang batang tawag niya sa'kin. Nang tingnan ko siya ay nakapout pa rin siya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Let's go na kasi! It's my last day here then you're not going with me pa! Let's go na! Please! Pretty pleaseeee!" Napakamot na lang ako sa pisngi ko. Siguradong hindi ako tatantanan nito. Napabuntong hininga na lang ako.

"Hayyst. Alright." tumayo na ako sa upuan. "Magbibihis lang ako."

"Yay!" Napatalon pa siya sa tuwa. Isip-bata.

****

"Couz! Look it's pretty! Bagay sayo!" Excited na sabi niya sabay pakita sa'kin ng isang sky blue off shoulder na dress. Napangiti naman ako ng makita iyon. Maganda talaga ang fashion taste nitong pinsan ko.

"Let's buy it na!" Tumango na lamang ako sa kanya. She's too hyper today. What's with her?

Kung ano ano pa ang binili niya. Dresses, shoes, bags and jewelries. Grabe talaga ito magwaldas ng pera. Walang awa.

Kaya ito nahihirapan kami sa pagbitbit ng mga pinamili niya. Oo niya! Siya lang naman lahat ang pumili nito eh. Tumatango na lang ako sa mga sina-suggest niyang damit para sa'kin. Ano ba naman alam ko sa fashion 'di ba.

Baka nga tama si Jefferson, baka nga tomboy ako. Natigilan ako ng maalala na naman siya. Damn. Ipinilig ko ang ulo ko. Walang magandang maidudulot sa'kin kung lagi ko na lang siyang iisipin. Masama siya sa kalusugan ko. Masama siya sa puso ko. Dapat iwasan.

"Couz, gutom na ako. Kain muna tayo?" Yaya ko kay Krystelle ng mailagay namin sa backseat ang mga pinamili niya.

"Yeah I'm hungry na din. Let's go." pumasok ulit kami sa loob ng mall at kumain sa isang restaurant doon. 

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now