Chapter 14

37 6 0
                                    

"Ma'am magkwento ka naman po. Sabi niyo nung isa ke-kwentuhan niyo kami!" Sabi ng isa kong kaklase na nasa unahan. Halos lahat ay um-agree sa sinabi niya at lahat ay pinipilit si ma'am na magkwento. Natawa na lamang ito sa mga kaklase ko.

"Okay kalma guys. Ano bang gusto niyong ikwento ko?" Tanong niya sa'min.

"Lovelife! Lovelife! Lovelife!" Nagkakaisang sigaw nila. Katulad ni ma'am ay natatawa na din ako. Si Ms. Katrina ang teacher namin na ka-close naming lahat. Mabait kasi ito at friendly saka ito rin ang pinakabata naming guro kaya naman malapit siya samin.

Umupo ito sa lamesa at pinagkrus ang mga binti. Tumatawa pa rin ito sa mga kaklase ko pero parang may kakaiba.

"Wala akong lovelife, guys."

Guys. Madalas niya kaming tawaging nito. Madalas ay tinuturing niya kaming parang kabarkada niya lalong lalo na kapag nasa labas kami ng school.

Dahil sa sinabi ni Ma'am ay parang pinagbagsakan naman ng langit at lupa ang mga kaklase ko.

"Ano ba 'yan."

"Sayang naman."

Iba't-ibang reaksyon ang namayani sa room namin.

"Okay sige ito na lang. Ikekwento ko na lang sa inyo ang past relationship ko," sabi ni ma'am. Bigla namang nabuhayan ng loob ang mga kaklase ko.

"Noong college kasi ako parang ako din kayo. Kapag nagkaka-crush parang sinisilihan ang puwit sa sobrang kilig kapag napansin," nagtawanan kami sa sinabi ni ma'am.

"Nagkaroon ako ng crush noon. Transferee siya. Gwapo, friendly, basketball player, habulin. First time ko magkaroon ng crush na gustong gusto ko talaga. Kaya ginawa ko ang lahat para mapansin niya ako. Nagbibigay ako ng letters, hinahabol-habol ko siya sa corridor, kinakausap ko siya. Mga ganon. Hindi naman mahirap kasi pinapansin niya naman ako. Until we became friends," nakangiti si ma'am habang nagke-kwento sa'min. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

There is something in her eyes.

"Naging super close kami. Minsan inaasar na kami dahil hindi na kami mapaghiwalay. Sabi nga ng iba hindi na daw sila magugulat kung isang araw malaman na lang nila na kami na," saglit na natawa si ma'am na parang naalala niya ang bagay na iyon. Tahimik lang naman kami habang nakikinig sa kanya.

Naalala ko si Jefferson dahil sa kinukwento ni ma'am. Halos ganoon din kami dati. Hindi mapaghiwalay at maraming nagsasabi na baka maging kami daw in the end.

"Then ayon, nasa third year college na kami ng umamin siya sakin na gusto niya raw ako," umingay ang classroom dahil sa sigawan at tilian ng mga kaklase ko. Hindi ito pinansin ni ma'am at nagpatuloy sa pagke-kwento.

"Nanligaw siya sakin and it took 7 months bago ko siya sinagot. Yes, we become college sweethearts. First boyfriend ko siya. Masaya, sobrang sweet niya, sobrang saya namin. First anniversary namin noon, alam niyo ba na sinasabi niya na ang mga plano niya sa future.. and of course kasama ako doon."

"Sana all!"

"Gusto ko rin ng gan'yang boyfriend!"

"Ehem! Boys dapat ganyan!"

Nakangiti si ma'am samin.

"Ano itutuloy ko pa ba? Ang ingay niyo diyan."

"Siyempre ma'am ituloy niyo po," sagot ni Aghot na sinegundahan naman ng iba.

"Bakit po past relationship niyo po siya? Nagbreak kayo ma'am?"

"Sadly, yes." Nagkaroon ng iisang reaksyon ang buong classroom.

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now