Chapter 19

34 4 0
                                    

I woke up the next day feeling empty. Tulala lang ako sa sahig. Wala akong maramdaman kun'di sakit at pagod. I am drained physically and emotionally. 

Wala akong gana kumilos. Wala akong gana gawin lahat. Naramdaman kong tumulo ulit ang luha ko. Akala ko hindi na ako iiyak. Sa dami ng nailuha ko kagabi hindi ko akalaing may iluluha pa pala ako ngayon.

Alam mo ba yung pakiramdaman na you're alive but you feel lifeless. You're breathing but it feel worthless. You're heart is beating but the every beat of it is damn aching.

That's how I feel right now. 

Napalingon ako sa pinto ng makarinig ng mahihinang katok mula dito.

"Couz. Wakey wakey na. Let's eat breakfast. Baka malate ka pa sa school mo," rinig kong sabi ni Krystelle mula sa labas.

Papasok ba ako? Kaya ko ba siyang makita? Tumingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko. 6:15 na. Maaga pa dahil 7:30 pa ang time namin.

Tumayo na ako sa kama. 

"Sige couz. Bababa na ako. Mag aayos lang ako." Natigil ang pagkatok sa pinto. 

"Alright." sagot niya at narinig ko na lang ang mga yabag niya paalis. Napahinga ako ng malalim. Pumasok ako sa banyo at doon nakita ko ang sarili ko sa salamin. Mugto na naman ang mata ko. Lagi na lang.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Nakita ko si Krystelle at Ate Layla na kumakain.

"Hey couz come here. Let's eat na," nakangiting sabi ni Krystelle. Hindi ako tumingin sa kanya dahil ayaw kong makita niya ang mga mata ko.

Lumapit na ako at umupo. Tahimik lang ako habang kumakain kami. Nag uusap sila pero hindi ako nakikisali. 

Pagkatapos ko kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan ko.

"Aalis na ako."

"Couz wait, lumingon ako kay Krystelle ng tawagin niya ako.

"Oh gosh your eyes! Wait there may kukunin lang ako upstairs," sabi niya at tumakbo kaagad paakyat. Lumingon ako kay Ate Layla at nakita kong nakatingin din siya sa'kin. Kita ko ang lungkot sa mata niya. Alam kong narinig niya ang pag-uusap namin ni Jeff kahapon. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"Ayos ka lang ba?" Masuyong tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot. 

"Hayaan mo na muna 'yon. Magiging ayos lang ang lahat okay?" tumango ulit ako at ngumiti sa kanya.

"Salamat po," siya naman ang tumango at ngumiti sa'kin. Nang bumalik si Krystelle ay may hawak na siyang bote sa kamay niya.

"Couz come here." Lumapit naman ako sa kanya. May inilagay siya sa palibot ng mga mata ko. Hindi na ako nagtanong. I know it's some of her maarte beauty ways. Hinayaan ko na lamang siya.

"Ayan, done na." 

"Thanks. Aalis na ako," tumango lang sila sa'kin. Pagkalabas ko ng gate ng bahay ay narinig ko ang tunog ng motor na humarurot ng mabilis.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Si Jeff 'yon. Tinanaw ko na lang ang motor niya na mabilis na nawala sa paningin ko.

Nagsimula na akong maglakad. Habang daan ay naiisip ko ang maaaring mangyari mamaya kapag nakita ko siya. Damn. Kinakabahan ako.

Napatigil ako sa paglalakad ng may humarang na motor sa harap ko. Napaatras pa ako sa gulat. 

"Jairo naman nakakagulat ka!" Tumawa lang ito sa'kin. Iniabot niya sa'kin ang isang helmet.

"Buti na lang nadala ko ito. Sakay na." ngumiti naman ako at umangkas na. 

"Thank you." lumingon lamang siya at ngumiti sa'kin.

Stupidly In Love (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon