Chapter 4

45 7 2
                                    

"Ugh! Nakakainis ka! Why did you do that!?"

"What? Sus! If I know kinikilig ka na. So, ano nangyari? Anong ginawa niya sa'yo? Did he say something to you? Did he confess his undying love for you?" Sunod sunod kong tanong sa kanya not minding her angry face.

"Ako?! Kikiligin?! No way! Hindi ako kikiligin don! Never! And what the hell is undying love? You're funny, Nina!" Umiirap na sabi niya. I just laughed at her annoyed face.

"Super defensive mo talaga! And please! Don't call me with that name! Nakakairita!" I pouted. She raised and eyebrow.

"So anong gusto mong itawag sa'yo? Nini? Baka naman ikaw ang may gusto diyan sa lalaking 'yan? Hmm.." may panunukso na sabi niya. Inirapan ko siya. Gumagaling na ako sa pag irap dahil sa kanila ni Jefferson.

"I know that tactic. Huwag mo ibalik sa'kin. That's impossible! Me? Likes Jeff? Oh come on! We're cousins! That's incest!"

"Cousins? As far as I still remember, Tita Gwen said that you two aren't related with each other. Tss cousins. Cousins your face!" Tumatawang sabi nito sa screen.

"Kahit hindi 'yon totoo, we see each other that way! So that's still incest!" Pangangatwiran ko pa. Totoo naman. Parang magkapatid pa nga ang turing namin sa isa't isa. Inirapan niya lang ako.

Magka Skype kami kanina pa pero hindi na niya nasabi kung ano ang nangyari sa kanila ni Jefferson sa stock room. Nilalayo niya yung usapan.

"So ano nga? Anong nangyari sa stock room?"

"Please! Ayokong pag usapan. Nakakakulo ng dugo. I hate him!"

" Eh diba nga sabi nila 'the more you hate, the more you love'?" Nakangisi kong sabi. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Sige sabihin mo 'yan sa harap ko at lagot ka sa'kin." Sobrang sama na talaga ng tingin niya sa'kin. Parang pinapatay niya na ako sa isip niya. Grabe. Natawa ako.

"Haha, sorry." Sabi ko at nag peace sign pa. Inismiran niya lang ako at umirap na naman.

"Bye na." Sabi niya at pinatay na ang Skype. Ipinatong ko ang laptop sa side table at nahiga sa kama. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Reign.

Sus! Baka naman ikaw na ang may gusto dyan sa lalaking yan?

Natawa na lang ako. Kahit naman totoo na hindi kami magpinsan ay hindi ako magkakagusto sa kanya. He's like a brother to me and besides I like someone else.

Napabangon ako sa kama ng marinig ko ang pagtahol ng aso namin sa ibaba. Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Jefferson na pinagbubuksan ni Ate Layla ng gate. Anong ginagawa niya dito? Bigla akong nakaramdam ng excitement. Sa wakas! May mapagtatanungan na ako ng nangyari sa stock room!

Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nakangiti siyang sumalubong sa'kin. I smiled back at him.

"Yow, Nini!"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wala lang. Masama bang dalawin ang cute kong best friend?" Nakangiti niyang sabi. Sa paraan ng pagngiti niya, I know he's in a good mood. Damn. Ano kayang nangyari sa stock room? Feeling ko kaya siya ganyan ay dahil doon. Nakakaintriga naman.

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now