Chapter 10

40 5 0
                                    

Nanatili kaming nakatitig sa mata ng isa't isa. Hindi alintana ang paligid, walang pakealam kung madilim na ba at wala ng araw.

"What really happened?" Pagbabasag ko sa katahimikan. I want to know what exactly is happening between the two of them. Hindi naman talaga dapat ako nakikialam pero hindi ko mapigilan. They are my friends.

"She dumped me.." sagot niya at yumuko. Hindi ako nakasagot. Why would Reign do that? Akala ko ba ay may gusto na rin siya kay Jefferson? Ano 'to?

"Huh? Bakit naman?"

Malungkot itong umiling sa'kin. "Hindi ko alam, Jenina. Basta sinabi niya na lang na tigilan ko na. Wala daw akong pag asa sa kanya. Ayaw daw niya." 

"Siguro naman may dahilan siya para sabihin 'yon." 

"Ano? Anong dahilan? Hindi ko na alam, Nini. Gulong gulo na ako," natahimik din ako sa sinabi niya.

"Wag ka mag alala. Ako ang bahala. Tatanungin ko siya. Baka.. maayos niyo pa ito." Nag iwas ako ng tingin. Wow. Ako ang bahala? Nice one, Jenina. Alam na alam mo talaga kung paano ipahamak ang sarili mo. Sana alam mo din kung paano mag move on diba?

I almost laugh with the thought that I am pushing the person I love to the person he wants. Martyr ka na ba talaga, Jenina?

Imbis na kunin ko ang oportunidad na 'to para mapasakin siya ay pilit ko pa rin siyang inilalayo. Well, I don't want to force him. At hindi rin naman ako sigurado kung magiging masaya ako na napunta siya sa'kin gayong alam kong may iba siyang gusto.

I don't wanna be a rebound either.

Lumayo na siya sa'kin at ngumiti. A genuine one.

"Thank you, Nini. Thank you for always being there. Thank you for your wonderful advices. Ano na lang kaya ang gagawin ko kung mawawala ka sa'kin. Hindi ko yata kaya," sabi niya. Hindi na ako sumagot sa kanya at tipid lamang akong ngumiti.

"Masayang masaya ako Nini na naging kaibigan kita." Kaibigan. Yup, I am just a friend. 'Yan lang ang papel ko sa buhay niya.

Ayos.

Dati masayang masaya din ako na mag bestfriend kami. I am so blessed to have him as a friend. Pero bakit ngayon nasasaktan na ako dahil iyon lang kaming dalawa?

****

"Ma.." 

Nag angat ng tingin sa'kin si mama na nasa kwarto nila ni papa.

"Hmmm?" Sinenyasan niya ako na lumapit na agad ko namang ginawa. Umupo din ako sa kama at sumandal sa headboard.

"Ma, I need some advice from you. Naguguluhan na po ako. I am so torn. Kapag ginawa ko ang tama, masasaktan ako. Kapag ginawa ko ang mali, makakasakit ako. What should I do?"

Napunta sa'kin ang buong atensyon ni mama. Sinenyasan niya akong lumapit. Naupo ako sa tabi niya at himaplos niya ang buhok ko. Magaan, nakakarelax. Nakakawala ng alalahanin.

"Anak, ano bang mas makakapag pagaan ng loob mo? Ang masaktan ka o ang makasakit?" She asked. Natahimik ako. Hindi alam ang sasabihin. Ayaw ko makasakit at ayaw ko ring masaktan. Can I just be in between?

"Put it in your head, anak. Sometimes, we don't need to choose between two things. We can just let it be. Go with the flow. Kapag ginawa mo ang naiisip mong tama, masasaktan ka. Kapag yung mali naman, masasaktan ka pa rin kasi nakasakit ka. Don't choose between getting hurt and hurting someone. Walang magandang idudulot 'yan sa'yo." Mahabang sabi niya.

Hindi ako nakasagot. Go with the flow? Should I just do nothing? Pabayaan ko na lang sila ganon? By thinking of our situation, I realize how I put effort giving someone their happiness. I didn't even think of mine.

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now