Chapter 15

43 5 0
                                    

"Ready na ako. Bilis turuan mo na ako," sabi ko pagkaupo ko sa damuhan paharap sa kanya.

Kinuha ko ang gitara na nasa kabilang tabi. Sinimulan kong mag strum ng konti. May ilan na akong alam tugtugin gamit ito pero gusto ko pa matuto ng madami at siya lang ang kilala kong magaling maggitara.

At isa pa, sa kanya ko din naman natutunan ang tumugtog gamit ang instrumentong ito kaya sa kanya na ako nagpaturo. Sumulyap ako sa kanya at nahuli kong nakatitig siya sa akin.

"Ano na? Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan," nag iwas ako ng tingin sa kanya. Kakainis naman 'to! Bakit dati hindi naman nakakailang ang titig niya? Shit naman.

Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. Nang tingnan ko ulit siya ay nakangiti lang siya sa akin.

"Bakit ba pangiti ngiti ka dyan? Mukha kang ewan!" Inirapan ko pa siya at tinanggal ko ang kamay niya sa ulo ko. Tumawa lamang siya sa'kin at lumapit. Tumabi siya ng upo sa'kin.

"Ngayon ko lang kasi na-realize Nini na ngayon lang ulit tayo nakapag bonding ng tayong dalawa lang. Na miss ko ang baby girl ko," sabi niya at ginulo ang buhok ko. Nag poker face ako sa kanya. Matapos niya guluhin ang buhok ko ay inayos niya rin naman ulit. Napairap ako. Abnormal.

Pero hindi ko ikakaila na kinilig ako sa sinabi niya. Even though corny yung sinabi niya ay basta galing sa kanya ay nakakakilig. The fuck?

"Sana all miss," sabi ko sa kanya. Ayaw ko sabihin sa kanya na miss ko din siya. Ewan nahihiya ako. Kahit dati ay hindi ko siya madalas sabihan non dahil siyempre lagi naman kaming magkasama at 'yon nga nahihiya ako.

Ngumuso siya sa harap ko tapos tumalikod. Tumaas ang kilay ko. Nag iisip bata na naman siya.

"Lagi ka namang ganyan. Kelan mo ba ako na-miss.." tumawa ako ng malakas sa sinabi niya. Langya naman itong lalaking ito! Ang pabebe!

"Bakit ka tumatawa?" ayan na napikon na nga po. Hindi ko pa rin mapigilang matawa. Mukha kasi siyang batang inapi. Jusko!

"Wala!" Sagot ko na lang sa kanya. Siyempre lalo lang siyang magtatampo kapag sinabing kong pabebe siya. Kaya wag na lang.

"Tsk."

"Tigilan mo na nga 'yan! Turuan mo na lang ako," nakinig naman siya sa'kin kasi humarap na siya ulit.

****

"Tama na ba?"

"Mali, ilagay mo ang hinliliit mo sa pinakababa."

Sinunod ko ang sinabi niya.

"Ayos na ba?"

"Oo, subukan mo mag strum. Mabagal lang ha."

"Okay," tumingin na ako sa gitara at nag strum ng mabagal.

Napapangiti na lamang ako ng marinig kong maayos na ang pagtugtog ko. Itinuloy ko lamang ito hanggang marinig ko na siyang kumakanta.

"There are times when I look in your eyes

I see the love that we shared I see that your inside.."

Napatulala na lang ako sa kanya. Ang lambing ng boses niya. Dumadagdag pa yung malakas na pintig ng puso ko.

"But I didn't see the feelings you had

But now your saying goodbye cause your love is done.."

Nakatitig lang ako sa kanya habang marahan siyang kumakanta. Nakatingin siya sa ibang direksyon kaya may pagkakataon ako na matitigan ang side view niya.

From his thick eye brows, his long eye lashes, his brown eyes, his pointed nose, his perfect jaw line and his-

Naputol ako sa pag iisip ng bigla siyang lumingon sa'kin. Tumambol sa kaba ang dibdib ko. Shit! Nahuli niya akong nakatingin sa kanya!

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now