Chapter 5

47 7 1
                                    

Naglalakad kami ni Jairo papasok sa school. Hindi namin kasabay pumasok si Jefferson kasi nung dinaanan ko siya ay wala daw siya doon sabi ni tita Janna. Maaga daw umalis. Tinanong ko kung papasok, ang sabi sa'kin ay naka school uniform na daw ng umalis so it means, papasok siya.

Hindi ako halos makatulog kagabi dahil sa pag-o-overthink. Aaminin ko, kinabahan ako ng maramdaman 'yon. That was the first. Lagi niya namang ginagawa iyon simula pa noon pero kagabi lang ako nakaramdam ng kakaiba.

Siguro dahil na 'rin sa mga tukso ni mama kaya ganoon. Nakakahiya kapag nalaman niya ito.

Pagtatawanan lang ako non panigurado. Saka sino ba namang may sabi na sasabihin ko? Of course, hindi ko sasabihin. Magkamatayan na. Saka wala lang naman 'yon. Kinilig lang ako. That's it. Nothing more. I shouldn't think too much.

"Hey, Jenina." Napatingin ako kay Jairo ng magsalita siya.

"Ha?" Napa-angat ang tingin ko sa sa kanya.

"You're spacing out."

"Ay sorry. May iniisip lang ako. Ano nga ulit sinasabi mo?" Sabi ko. Sa lalim ng iniisip ko nakalimutan ko na kasama ko nga pala si Jairo. Nakakahiya naman.

"Okay lang. Wala. Hindi naman importante," nakangiti niyang sabi. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa pagngiti niya.

Tama yan Jenina. Kay Jairo ka lang dapat kinikilig. Siya ang gusto mo diba? Right. Ngumiti na lang rin ako sa kanya.

"Sorry." Ginulo niya na lang ang buhok ko.

****

Pagkarating namin sa room ay tinukso na naman kami ng mga kaklase namin. Mga walking issue talaga.

Napatingin ako sa upuan ni Reign at nagulat ako ng wala pa siya. Himala.

Inilagay ko ang bag ko sa upuan ko. Wala pa rin si Jefferson. Papasok ba talaga 'yon?

Nagulat na lamang ako ng magtilian ang mga kaklase ko. Hindi ko na sana papansinin pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ang inaasar nila ngayon.

Sina Jefferson at Reign!

Malawak ang ngiti habang buhat ni Jeff ang bag ni Reign na noon ay poker face lang. What's happening?

Tutok lang ako sa dalawa. Panay ang tilian ng mga kaklase namin. Natigilan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaramdam ng saya ng makita silang magkasama.

"Ay anong meron?"

"Walang forever!"

"Bagay kayo guys yieee!"

"Tama na! Pagod na akong mag sana all!"

Hindi ko alam kung bakit bumibigat ang pakiramdam ko sa isiping tama nga ang mga kaklase namin.

Bagay sila.

Lumapit sa'kin si Jefferson at ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. Nakangiti siya sa'kin pero lalo lang kumirot ang puso ko. Ano bang nangyayari sa'kin? May sakit na ata ako sa puso.

Stupidly In Love (Revised Edition)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora