Chapter 7

46 7 0
                                    

"So kumusta naman ang date niyo ni Reign kahapon?" Tanong ko kay Jefferson. Ngiti lang ang naging sagot niya sa'kin. Huminga ako ng malalim at tumingin na lang rin sa dinaraanan namin.

Oo alam kong parang napaka martyr ko sa part na gusto ko pang malaman ang mga pinaggagawa nila sa date. It's just that.. I don't want them to find me weird. It will be unusual for me to not talk about their relationship where in fact isa ako sa dahilan kung bakit may ligawang nagaganap ngayon. We are accomplices, right?

Sobrang epektibo pala talaga ng ginawa kong pag-lock sa kanila sa stock room. Huminga ako ng malalim at itinuon sa daan ang paningin.

Papunta kami ngayon kina ate Jam na dito rin nakatira sa subdivision. Ang kaibahan nga lang nasa dulo pa ang bahay nila. Pinag aalaga ako ng anak niya dahil aalis siya for I don't know reason. Hindi ko na naitanong dahil nagmamadali siya.

Sakto namang nasa bahay namin itong si Jefferson at tumatambay na naman. Hilig talagang tambayan ni Jeff ang bahay namin. Hindi ko alam kung bakit. Di hamak naman na mas maganda ang bahay nila at mas maaliwalas.

"Hoy! Ano na?! I'm asking here!" Pagpipilit ko pang alamin. Nakakunot na ang noo ko. Siguro ay ganito na lang ang mangyayari hanggang sa mawala ang kung anumang nararamdaman ko kay Jeff.

I will pretend. I will lie. I will show them that I am happy for them. I will show them the exact opposite of how I truly feel.

He rested his arm on head. Ang bigat! Agad ko namang inalis 'yon at inirapan siya.

"Ano ba?!"

He laugh. "Hindi ko alam na chismosa ka pala, Nini!" Pang-aasar niya.

Umismid ako at inirapan siya. Nagtanong lang, chismosa na agad? Humarap na lang ulit ako sa dinaraanan namin at hindi na siya kinibo. Bahala na siya diyan.

Sa totoo lang ayos lang naman na hindi siya magkwento. Ayaw ko naman talagang malaman. Pagod na akong mag self pity.

Sa di kalayuan ay nakita kong naglalakad si Jairo. Nang makita niya kami ay agad akong kumaway at ngumiti sa kanya.

"Sus! Kanina lang beast mode. Nung nakita si Jairo biglang lumawak yung ngiti. Tch." Sabi ni Jeff na hindi ko na pinansin.

"Hey bro! Saan kayo pupunta?" Tanong nito samin.

"Pupunta kami kina Ate. Mag aalaga ako ng pamangkin ko. Ahm.. gusto mo sumama?" Alok ko sa kanya.

"Sige ba! Tara!"

Sabay sabay kaming naglalakad. Nasa gitna nila akong dalawa. Pilit kong hinahanap ko yung kilig na nararamdaman ko kapag nakakausap at nakakasama ko si Jairo pero kahit anong gawin ko ay wala na akong makapa sa sarili ko.

Wala 'yong excitement na madalas kong maramdaman kapag malapit siya. Wala 'yong kilig. Naglaho itong parang bula. Nitong mga nakaraang araw hindi ko ito pinapansin dahil baka nasasanay lamang ako sa presensiya niya. Pero hindi ko akalain na unti unti na pala akong nahuhulog sa iba.. kaya wala na.

Nang makarating kami ay sinalubong kami ni ate. Buhat niya si Iris na agad niyang ibinigay sa'kin.

"Iris baby, you behave okay? Si tita muna mag aalaga sa'yo. Aalis lang si mommy. Uuwi rin ako mamayang hapon. 'Wag magpapasaway." Tumango naman si Iris sa sinabi niya. Sa akin naman nabaling ang tingin ni ate.

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now