Epilogue

125 7 11
                                    

Nagpunas ako ng pawis pagkasara ko ng maleta. Grabe nakakapagod. Nahiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. This is it. Huminga ako ng malalim at bumangon na. Nagpunta ako sa drawer ko at binuksan iyon. 

Ang dami kong nakitang nakakalat na pictures. Kami ni Reign, kami ni Jeff at maraming solo pictures ni Jairo. Tiningnan ko iyon isa isa. Inuna ko iyong picture namin ni Reign. May naka wacky kami, may nasa tabi ng dagat, may naka chef uniform, magkaakbay sa isa't isa at marami pang iba. 

Tiningnan ko naman iyong mga solong pictures ni Jairo. May nagbabasketball siya, nakaaktong magpapa-shoot, nakikipag apir sa teammates, naglalakad, nakaupo sa room at sobrang dami pang iba. Natawa na lang ako. I'm such a stalker! Gosh! Hindi ko akalaing ganito ako kapatay na patay kay Jairo dati. Grabe!

May nakita pa akong picture namin nung JS prom. Napangiti ako. Ang alam ko si Reign ang kumuha ng picture na ito eh. Ngali ngali ko nga siyang sabunutan that time eh. Napailing na lang ako.

Mga picture naman namin ni Jefferson ang tiningnan ko. May nakaakbay siya sakin, may picture na kunwari duling kami. I laugh. May nakapatong ang kamay niya sa ulo ko. Nakafrown ako doon tapos ngiting ngiti siya. Napangiti na lang ako. Tiningnan ko pa ang ibang pictures namin hanggang sa matigilan ako ng makakita ng hindi pamilyar na litrato. Kinuha ko iyon. Sa picture naglalakad ako papasok sa bahay namin habang my dalang sobrang laking teddy bear at white roses. Kumunot ang noo ko. Sino ang kumuha nito? Tanda ko ito eh. Ito yung araw na niyaya ako ni Jefferson para maging date niya sa JS prom.

Naggagawa ako ng assignment ng matigilan ako ng makita ko si Jefferson sa may gate ng bahay namin. Nakatingin siya dito sa akin at ngumiti. Sinenyasan niya akong bumaba. Isinara ko ang notebook ko at dali daling bumaba. Pagkarating ko doon ay napakunot ang noo ko. May dala dala siyang ubod ng laking teddy bear  sa kanang kamay at white roses sa kaliwa. Malawak ang ngiti niya pero ramdam ko ang kaba niya. Lumapit ako sa kanya.

"Ano iyan?" Tanong ko sa kanya at tiningnan ang mga dala niya.

"For you," sabi niya at iniabot sa'kin ang teddy bear at white roses. Kinuha ko naman iyon. 

"Wow! Thank you! Para saan naman ito?" Tanong ko sa kanya. Napakamot siya ng ulo at parang nahihiya. He's acting weird today. I wonder why?

"Ano.. kasi.." nag aantay ako sa sasabihin niya. Bakit ba parang tensed na tensed siya?

"Hmm.. Ano iyon?" 

"Nini, gusto ki-- ehem! Ehem! Gusto ko sanang yayain ka na maging date ko sa prom. Pwede ba?" Sabi niya at nag iwas ng tingin. Napangiti ako sa kanya.

"Oo naman. Ano ka ba! Hindi mo naman kailangang gawin ito. Papayag naman ako eh," natatawang sabi ko at hinampas siya ng mahina sa braso. Hindi siya nag-react at tiningnan lang ako.

"Nini," napatingin ako ng deretso sa mga mata niya. Tinitigan niya ako ng seryoso. 

"Hmm?"  Nakangiting sabi ko.

"May gusto sana akong sabihin sayo."

"Ano naman iyon?" 

"Ano.. Nini.. kasi.."  nag iwas siya ng tingin sa'kin. Naguguluhan talaga ako sa kanya ngayon. Ang weird niya kasi. Maya maya ay huminga siya ng malalim at tumingin ulit sa'kin.

"Nini,gusto ko sanang manli–"

"Jenina!" Napalingon kami pareho kay Mama ng tawagin niya ako. Nasa may pinto siya at nakasandal sa hamba nito. Nakacrossed arms at malawak ang ngiti. Napatingin siya sa hawak ko at lalong lumawak ang ngiti niya.

Stupidly In Love (Revised Edition)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin