Chapter 30

55 5 0
                                    

Sabi nila kapag nagmahal ka kailangang paghandaan mo yung sakit. Kasi kakambal daw iyon ng pagmamahal. Hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan.

Pero bakit lagi na lang sakit ang nararamdaman ko? Masasabi pa bang pagmamahal ito kung puro sakit lang ang nararanasan ko? Heto na naman kasi ako.

Hopeless.

Crying.

Hurting.

Kailan ba 'to matatapos? Hindi ko akalaing mararanasan ko ito. Pero mas hindi ko inakala na sa kanya ko pa ito mararanasan.

Sa lalaking nagparanas sa'kin ng mga sweet na bagay. Sa lalaking nagsasabi sa'kin lagi na ayaw niya akong nasasaktan. Sa lalaking nagsabi sa'kin na protector ko daw siya. Nakakagago.

Sobrang sakit lang.

Sobrang sakit na nga na malamang hindi niya talaga ako mahal. But it much more painful to know that he just took my feelings for granted.

Ang daming 'bakit' na tumatakbo sa utak ko. Bakit niya nagawa sakin ito? Bakit niya ako ginago? Bakit niya ako pinaasa? Bakit pinagmukha niya akong tanga?

Nakakatangina lang talaga.

Parang wala kaming pinagsamahan ha. Parang kung sino lang ako na pinaglaruan niya. Ngayon ko lang nalaman na hindi ako mahalaga sa kanya.

He didn't really care. I hate him! I hate him so much!

Tangina talaga.

I hate you, Jefferson!

Pinagsisihan kong nakilala pa kita!

****

Nang linggong iyon nakipagkita ako kay Reign. Dumiretso kami sa GDE's Coffee Shop. Umorder ako ng baked Mac and mochaccino samantalang mochamallow lang ang inorder ni Reign.

"So anong pag uusapan natin?" She asked after she sipped a bit of her mochamallow. Uminom din ako ng mochaccino bago tumingin sa kanya. She's innocently looking at me. I avoided my gaze. Kumabog ang dibdib ko.

Kinakabahan ako.

Balak ko na kasi sabihin sa kanya lahat. Ayoko ng magsikreto. Pero ang hirap pala nito. Damn! Paano ko ba sasabihin sa kanya? Saan ako magsisimula?

"Jenina.." Napatingin ulit ako sa kanya. Shit!

"H-ha..? A-ano kasi.." Nagkandautal utal ako sa pagsasalita. Anong sasabihin ko?

"You have something to tell me right? Go spill it," excited na sabi niya. Maging ganyan pa rin kaya ang reaksyon niya kapag nalaman na niya?

"Promise me first. You wouldn't hate me after this," nangunot naman ang noo niya.

"You're so weird. Bakit naman ako magagalit sayo?" Natatawang sabi niya.

"Just promise me. You wouldn't hate me. Hindi tayo magbabago. Hindi ka iiwas. Promise me please," seryosong sabi ko. Natigil siya sa pagtawa at nawala na rin ang ngiti niya. Tumitig lang siya sa'kin. And damn! Bumalik ang kaba ko dahil sa pagtitig niya.

Hindi siya nagsalita. Tiningnan niya ako na parang sinusuri niya ako. Naiilang ako sa tingin niya. Pakiramdam ko malalaman na niya ang sasabihin ko sa klase pa lang ng tingin niya.

"R-reign.." pagtawag ko sa kanya. Nakita kong huminga siya ng malalim.

"Okay. I promise," sabi niya at nangalumbaba. Tumingin siya sa labas kung saan makikita ang city.

"Reign.." kinakabahang tawag ko sa pangalan niya. Hindi ko na makain ang pagkain ko dahil nanginginig na ang mga kamay ko.

Sobrang kinakabahan ako!

Stupidly In Love (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon