Chapter 21

42 5 0
                                    

Tahimik lang ako at hindi pa din nagsi-sink in sa utak ko ang nangyayari. What the hell lang! Bakit magka-partner kami? This is shit!

Kanina kasi sabi ng teacher namin sa music ay magpe-perform kami. Kailangang gumamit ng isang instrument para siyempre tumugtog tapos kakanta. Wala naman sa'king problema 'yon eh. Kaso nagkagulo kasi kanina. Nagtatalo yung mga kaklase ko kung sino ang magiging ka-partner nila. Kaya ang sabi ni Ma'am kung sino na yung katabi namin, sila na daw. Kaya eto nagkaka-problema ako sa seatmate ko. Bakit ba kasi seatmate kami? It feels awkward. Nakakainis!

Kanina pa kami walang kibuan. Yung mga kaklase namin ang iingay na habang nag uusap. Eh kaming dalawa wala pang nasisimulan kahit isa. Jusko!

"Anong tutugtugin natin?" Ako na ang unang nagsalita. Wala yata kasi talaga siyang balak na kausapin ako. Kaya kahit kinakabahan ay ginawa ko na. Aba! Grades ko ang nakasalalay dito! Kaya dapat kumilos ako. Hindi lang sa trabaho dapat maging professional, dapat kahit sa school din!

"Tss," walang emosyon niyang sagot. Wow. May kanta bang 'Tss'?

"Umayos ka nga. Kahit ngayon lang please. Grades natin ang nakasalalay dito. So please cooperate." Ang loko nagawa pa akong irapan. Kaya inirapan ko din siya. Nakakainis na siya!

"Ano nga!" Inis kong sabi. Tumitig siya sa'kin.

"Baby girl.." Natigilan ako sa sinabi niya. Natulala ako at ilang beses napakurap kurap.

"A-ano?"

"I said baby girl. 'Yan ang kakantahin ko. Ikaw ang tutugtog." 

"Anong kanta naman iyon? Hindi ko alam 'yon."

"Tsk. 'Yon 'yong itinuro ko sa'yo last time," inalala ko ang sinabi niya. Kahit hindi ko maalala ay tumango na lang ako.

"Okay," 'yon lang ang naisagot ko. 

"Punta na lang ako sa bahay niyo para ma-practice natin." sabi niya.

Pupunta siya sa bahay? It's been a week since that thing happened. Kaya isang linggo na din ang lumilipas ng huli siyang pumunta sa bahay. Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Tumango na lamang ulit ako sa kanya.

Hindi na ulit kami nag-usap. Bukas ang pagpe-perform namin. Kinakabahan ako! Shete talaga to!

****

Nakaupo ako sa kama at nakaharap sa laptop ko. Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag ng matapos na kami sa pagpa-practice. Hindi ko alam kung bakit hindi siya kumanta. Hindi ko tuloy alam kung ano yung baby girl na yun. Never heard of that song. 

Nagulat ako ng tumunog ang Skype tone ko. Si Papa. Agad kong sinagot ito.

"Hello, Pa."

"Hey anak. Kumusta naman diyan?"

"Ayos naman po. Kayo po kumusta? Kailan kayo uuwi ni Mama?"

"Ayos naman kami. Sa isang araw uuwi na ang mama mo. Magpapa-iwan na ako dito. Pagbalik ko dyan inaasahan ko na may sagot ka na sa'kin, okay?" Kinabahan ako sa sinabi ni Papa. Damn. Oo nga pala. Hindi ko pa iyon napag-iisipan. 

"Sige po, Pa," sagot ko na lamang. Nag usap pa kami ng matagal bago siya nag-paalam. Huminga ako ng malalim at nahiga sa kama. 

Kinakabahan na ako sa mangyayari bukas. Kanina hindi kami masyadong nag-usap. Pagkarating niya nag umpisa na agad kami. Naiilang ako sa kanya pero mas nangingibabaw ang hinanakit sa'kin. Paano niya nagagawa sa'kin 'to? Hanga na ako sa kanya. Bumuga ako ng hangin. Nakakairita.

Napasulyap ako sa laptop ng tumunog ito. Skpe tone na naman ang tumutunog. Akala ko si Papa pero napabangon ako bigla sa gulat ng makita ang tumatawag. Si Reign!

Stupidly In Love (Revised Edition)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora