Chapter 28

44 5 1
                                    

Hindi ako nakasagot sa kanya. Ano ba kasi ang sasabihin ko? Ayokong siyang masaktan. He had too much. 

"Keiron.." tanging pagtawag lang sa pangalan niya ang kaya kong gawin. Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ko ang mga kamay niya na nasa pisngi ko.

"Sweetheart, ako na lang please. I hate to see you like this. Hopeless. Crying. Hurting. Seeing you suffering is the death of me. Tutulungan kita para malimutan mo siya. I... I can be your rebound. I'm willing to be your rebound." Napapikit ako at umiling sa kanya. 

Hindi ko kaya. He doesn't deserved it. Patuloy lang akong umiiling sa kanya.

"Jenina.."

"No Keiron. I don't want you to be just a rebound. You don't deserve that and you don't deserve me as well." Tumitig ako sa mga mata niya. Ang mga mata niyang kakikitaan ko ng sakit pero punung puno pa din ng determinasyon.

I'm sorry, Keiron.

Ayoko siyang gamitin. Hindi ako ganoon. Hindi ako selfish na gagawin lang ang lahat para makuha ang gusto. Hindi ako manggagamit. 

"Keiron, you deserve more. You deserve so much more." Pinupunasan niya lang ang mga luha kong walang tigil sa pag agos mula sa mga mata ko.

"Jenina, mahal na mahal kita. No one deserves me but you. Only you sweetheart. I will love you endlessly. I will give you the world. I will make you happy. Just be mine, sweetheart." Hinalikan na niya ako sa noo bago niya muling pagdikitin ang mga noo namin. Natahimik ako sa mga sinabi niya. Tanging mga malalalim na paghinga niya at mga paghikbi ko ang naririnig ko.

Sumasakit ang dibdib ko sa sinasabi niya. Yes, he can love me endlessly. He can give me the world. He can make me happy. But I'm afraid that I can't do the same. I don't want to be unfair. Given the fact that I'm in love with someone else. I will just hurt him.

Muli akong umiling sa kanya. Mas lalong kumikirot ang puso ko sa ginawa kong pag iling.

"Stop this please. Stop this, Keiron. Don't love me. Don't love me too much. I don't want to hurt you pero ayoko ring umasa ka pa sa'kin. Ayokong umasa ka sa wala. Someone is much more deserving for your love. Don't waste it for me. I can't return the love you are offering. I'm sorry, Keiron. I'm so sorry." Inilayo ko na siya sakin. Kita ko na din ang mga luha niya na tumutulo. This time, ako naman ang nagpunas ng mga luha niya. Hinalikan ko siya sa noo bago ako tumayo at umalis doon.
Lumabas ako sa library pero napatigil din ako at lumingon dito. 

I'm sorry, Keiron but I think, it's the best for the both of us.

Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad palayo. Tulala na naman ako. Kumikirot ang puso ko sa sakit at bigat na nararamdaman ko. Bakit ba ganito ang buhay? Bakit kailangan laging may sinasaktan? Bakit kailangang pumili? 

Napaka unfair ng mundo. Kung sino pa 'yong gusto mo siya pa yung hindi pwedeng maging sa'yo. Kung sino naman 'yong mahal ka at handa kang pasayahin ay iyon pa 'yong kailangang masaktan ng sobra.

I feel sorry for Keiron. Hindi siya dapat nasasaktan ng ganito. Bakit ba kasi kailangang mahalin pa natin 'yong mga taong hindi pwedeng maging sa'tin. Nakakagago talaga ang pag ibig. It makes us stupid.

Katulad ko, nagpapakatanga sa lalaking may mahal ng iba. Pero ang nakakainis lang sa sarili ko, hindi ko magawang magalit sa kanya. Umaasa kasi ako na baka may magandang paliwanag siya. Umaasa kasi ako na baka ako talaga ang mahal niya. Umaasa na baka naguguluhan lang siya sa'min ni Reign pero sa huli ako pa rin ang pipiliin niya. 

Umaasa sa isang bagay na imposible. Lagi naman akong ganyan. Kaya sa huli ako rin yung nasasaktan. Pilit ko namang sinasabi sa sarili ko na hindi ko dapat maramdaman ito. Hindi dapat ako umasa. Pero sadyang traydor ang sarili ko kasi kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko. Makakita lang ako ng kaunting pag asa sa kanya nawawala lahat ng sinasabi ko. Nalilimutan ko ang mga pangaral ko sa sarili ko at umaasa na naman ako sa kanya.

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now