Chapter 27

46 5 1
                                    

"R-reign.." Gulat na gulat na sabi ko. Lumapit siya at mahigpit akong niyakap. Bakit? Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba nasa Canada na siya?

"Namiss kita, babe!" Masiglang sabi niya at kumawala sa yakap. Napalunok ako. Hindi ako ngumiti sa kanya. Ayokong magmukhang plastic sa harapan niya. Shocked lang kaya kong ipakitang reaksyon sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Nagbabakasyon ka ba? Akala ko ba ay doon ka na titira? Nag aaral ka doon diba?" Sunod sunod ang tanong ko sa kanya. Nag iwas ako ng tingin. Ayokong mabasa niya ang ekspresyon sa mga mata ko. 

Hindi niya naman ito napansin dahil tumawa lamang siya.

"Ang dami mo namang tanong, Jenina. Hinay hinay lang, iisa ang kalaban. First, hindi ako nagbabakasyon dito. Second, hindi na ako mag aaral sa Canada. Nakumbinsi ko kasi si mommy na dito na lang ako sa pilipinas. And well pumayag naman siya. Kaya sobrang saya ko, Jenina! Miss na miss na kita!" Sabi niya at niyakap akong muli. Hindi ako nakaganti ng yakap sa kanya.

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Anong mangyayari sa kanila ni Jefferson? Paano kapag nakita siya ni Jeff? Mababalik ba yung feelings niya kay Reign? Itutuloy ba nila ang naudlot nilang love story na hindi pa nagsisimula? Pano na yung amin?

Paano ako?

"Jenina?" Mahinang tapik sa pisngi ang nakapagpabalik sa akin. Napalingon ako kay Reign na nag aalalang nakatingin sa'kin. Napapalalim na ang iniisip ko kaya napabuntong hininga na lamang ako. 

"Are you alright? Bakit parang matamlay ka? May sakit ka ba?" Tanong niya sa'kin saka sinalat ang noo at leeg ko. Umiling ako sa kanya.

"W-wala." Ngumiti ako sa kanya. Ayokong isipin ang mga mangyayari sa'min. Ang sabi ko nga, handa ako sa kung anuman ang mangyayari. Tatanggapin ko kung anuman ang kahihinatnan ng mangyayari. Tatanggapin ko. Kahit masakit. 

Ngumiti naman siya at tumayo sa kama ko. 

"Halika sa baba. Tingnan mo yung mga pasalubong ko sa'yo," excited niyang sabi at hinila na ako palabas ng kwarto ko. Hindi na ako nagsalita at nagpatangay na lamang sa kanya. 

Nakatingin ako sa likod niya habang naglalakad kami. Si Reign, ang nag iisa kong best friend na babae. She's more like a sister to me. Minsan parang ako ang nakababatang kapatid sa aming dalawa pero madalas ay ako ang tumatayong ate sa amin. Isa ng dahilan ang kawalan ko ng nakababatang kapatid kaya sabik ako maging ate. I usually comb her hair at minsan pinupusod ko pa ito. Ako ang nagpapaalala sa kanya na kumain dahil madalas niya itong makalimutan lalo na kapag madami kaming tinatapos na projects. Ako ang takbuhan niya ng problema, personal man o hindi. 

Kaya ngayon nakakaramdam ako ng guilt. Lahat sinasabi niya sa'kin, never siya nagsikreto. But here I am, having secrets again. Napabuntong hininga na lamang ako. Lumingon siya at ngumiti. Up until now I can't believed that she's here. Lumapit siya sa'kin at yumakap sa mga braso ko. 

Minsan talaga para siyang bata. Napapangiti na lang ako sa kanya. Para na naman akong ate sa aming dalawa. At ang madalas na ginagawa ng mas nakakatanda sa nakakabata niyang kapatid, ang magparaya, ang magpaubaya.

****

Katulad ng inaasahan ay gulat na gulat si Jeff ng makita niya si Reign. 

"Hi Jefferson!" Malawak ang ngiti ni Reign sa kanya. Hindi na nakapagsalita pa si Jefferson dahil hindi niya inaasahan ang makita si Reign. Sa amin natulog si Reign at ng bumisita si Jefferson dito sa'min at si Reign ang una niyang nakita. Lumapit si Reign sa kanya at niyakap niya ito. Nag iwas na lang ako ng tingin. Hindi ko kayang makita. 

"I missed you," rinig kong sabi ni Reign pagka alis niya sa yakap. Nakatingin lang sa kanya si Jeff. Yung klase ng tingin na para bang ito lang ang nakikita niya. Kumirot ang puso ko. Ano ba ang magagawa ko? Dumating na yung original, yung totoong mahal. Ano lang ba 'ko? Mapait akong ngumiti at tumalikod sa kanila. Wala namang nakapansin sa ginawa ko dahil abala silang dalawa sa isa't isa. Pero bago ako tuluyang nakalayo ay narinig kong nagsalita si Jeff.

Stupidly In Love (Revised Edition)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang