Chapter 13

42 6 0
                                    

"Oh ano, Jenina. Truth or dare?" Nakangisi na sa akin si Jairo. 

Ang malas naman! Tiningnan ko yung bote. Pahamak!

"Ahmm.." ano kaya? Kapag dare ang pinili ko baka kung ano din ang ipagawa nila sa akin. Kapag truth naman baka kung ano ano ang itanong nila. Napapikit na lang ako.

Malas!

"Ano na Jenina?"

"Truth na lang," kinakabahang sabi ko.

"Sinong unang magtatanong?" 

"Ako muna," ngising sabi ni Jefferson.

"Ayusin mo yung tanong mo ha! Susuntukin kita!" Natawa siya sa sinabi ko.

"Sinong mas gwapo, ako o si Jairo?" Lalong lumawak ang ngisi niya sa akin.

"Tinatanong mo pa, dre? Obvious naman na ako ang mas gwapo sa ating dalawa," pagmamayabang ni Jairo.

"Tss. Tigilan mo ako. Nasa harapan mo ang pinaka gwapo, drep" pagtutukoy ni Jeff sa sarili niya.

Napairap na kami ni Reign sa kanilang dalawa. Nakakahiya! Grabe! Ang ga gwapo niyo po!

"Bagyo ba kayo?! Bagyo?! Ang lalakas ng hangin niyo! My gosh!" Iritang sabi ni Reign at umirap na naman.

"Sorry na, love.." Napapakamot pa ng ulo si Jefferson.

"Ibahin mo na lang yung tanong. Nag iingay lang kayong dalawa."

"Sige. Hmm.. sino na lang first love mo, Nini?"

"Bakla ka ba dre? Bakit ganyan ang tanong mo," ang lakas ng naging tawa ni Jairo.

"Hindi ako bakla! Sira ulo ka! Gusto ko lang naman malaman."

Hindi ako makapag salita. Hindi ko pwedeng sabihin kung sino ang first love ko kasi.. 

Nandito siya!

Ayokong malaman ni Jairo! Nakakahiya!

Naghihintay sila ng sagot ko. Halatang naiinip na. Pero kasi!

"Ano..si.." Sino?! Sinong sasabihin ko?! 

"Si?" Halatang excited si Reign sa sasabihin ko. Isip, Jenina! Sino?!

"Si.. si ano.. si.. K-keiron," napapikit na lang ako sa sinabi ko. Shit! What the hell! Bakit yung lalaking 'yon pa ang nasabi ko?! Jusko!

"Sino 'yon?" Tanong ni Jeff. Nakakunot na ang noo nito. Nawala na ang playful aura sa itsura niya.

"Hanggang isang tanong lang ang pwede," sabi ni Reign.

"Sige ako na lang ang magtatanong. Sino si Keiron?" Sabi ni Jairo. Katulad ni Jeff ay seryoso rin ang mukha niya. 

Okay?

"Ahm.. diba madalas kaming magbakasyon sa korea kapag walang pasok. Doon ko siya nakilala. Si Keiron Lee. Magkapit bahay din kami doon tapos madalas din siyang nasa bahay namin sa korea. Ipinakilala siya sa akin nung pinsan ko," paliwanag ko sa kanila.  

"Tapos nagustuhan mo siya?" Tanong ni Jeff.

"Hep! Isang tanong nga lang eh. Ako naman. Tapos nagustuhan mo nga siya?" Tanong ni Reign at humarap pa sa akin. Natawa ako sa kanila.

"Ano nga?!"

"Nung una talaga hindi kami magkasundo. Puro kami bangayan. Kahit maliliit na bagay napag aawayan namin. Isip bata kasi 'yon!" Natatawa ako habang nagkekwento. Si Reign sa tabi ko ay nangingiti na sa sinasabi ko. Kinurot niya pa ako ng mahina sa tagiliran.

"Tapos ayun.. ano.. nagustuhan ko siya. Magiging first love ko ba 'yon kung hindi ko nagustuhan!" 

Isa itong kasinungalingan! Hindi ko siya nagustuhan! Never been and never will! 

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now