Chapter 22

43 4 0
                                    

Ilang araw ang lumipas matapos naming makapag-perform ni Jefferson. Ilang araw na rin niya akong kinaka-usap at ilang araw ko na rin siyang hindi pinapansin. 

Oo aaminin ko natutuwa ako sa nangyayaring ito. Pero hindi ko maiwasang hindi maghinanakit sa kanya. Why now? Bakit namamansin na siya ngayon? Anyare? 

Hindi naman sa nagpapabebe ako pero kasi kahit gusto ko ang nangyayaring ito, kahit pinapansin na niya ulit ako parang hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang patawarin siya. Lalo na't ang sakit ng mga sinabi niya sa'kin.

Kapag kinaka-usap niya ako, kapag nginingitian na niya ulit ako, kapag tinatawag niya akong baby girl o di kaya ay Nini, kumikirot ang puso ko.

Naaalala ko ang ekspresyon ng mukha niya noong sinabi kong gusto ko siya. Naaalala ko yung masasakit na sinabi niya. Nagawa niya pa akong saktan not just emotionally but physically too. 

Napahawak na lamang ako sa aking balikat. Ang mahigpit niyang paghawak dito ay bigla na lang pumasok sa isip ko. 

Napatingin ako sa pinto ng aking kwarto ng may bigla na lang pumasok dito. I automatically smile when I saw him smiling widely at me.

"Ate, Jenina!" Masiglang bati niya sa'kin.

"Hey, Eron! Come here." Ibinuka ko pa ang mga braso ko sa kanya. Excited siyang lumapit sa'kin at niyakap ako. 

"What are you doing here?" Tanong ko pagka-alis ko sa yakap. Kumalong ito sa akin.

"I miss you po, ate! Saka kuya wants to see you," sa pagkakasabi niyang iyon ay nabuksan ang pintuan at ang nakangiting si Jefferson ang bumungad sa'min.

"Kuya!" Tawag ni Eron sa kuya niya. 

"Hey Nini," nakangiting sabi niya sakin. 'Yung ngiting hindi ko na naman makita ang mata niya. Nag-iwas ako ng tingin. Kumikirot ang puso ko.

Ibinaba ko na si Eron at masigla itong pumunta sa kama ko at nahiga doon.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyong sabi ko sa kanya. Lumapit siya sa'kin. Muntik na akong mapa-atras ng bigla na lamang niya akong niyakap. Hindi ako nakagalaw. 

"A-anong? Bitawan mo ako," marahan ko siyang itinulak. Hindi siya kumawala bagkus humigpit lang ang yakap niya sa'kin.

"I'm sorry, Nini. Sorry. Sorry sa mga nasabi ko. Sorry sa nagawa ko. I didn't mean it. Hindi ko sinasadyang masaktan ka. I'm sorry," natigilan ako sa pagtulak ng marinig ko ang mga sinabi niya. Hinayaan ko na lamang siyang yakapin ako.

Aminin ko man o hindi. I miss this. I miss him. I miss him so much.

"Hindi ko kaya, Nini. Hindi ko pala kaya. Noong hindi mo ako pinapansin parang sinasaksak ako. Noong hindi mo ako kinakausap, ang sakit. Tangina. Hindi ko pala kaya. Hindi ko kaya, Nini." Napakagat na lamang ako sa aking labi. Bakit ngayon ko lang naisip 'to? He suffered too. 

"Je--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ang isang maliit na kamay na pilit kaming pinaghihiwalay. Sabay kaming lumingon dito at nakita namin si Eron na salubong ang kilay.

"Kuya move! Why mo niha-hug si ate Jenina? Ayaw ni Eron na niha-hug mo si ate Jenina!" Sigaw nito at buong lakas na itinulak si Jefferson palayo sa'kin. 

Bumitaw si Jefferson at nakataas ang kilay sa kapatid na nakayakap na sa'kin. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang tawang gustong kumawala. Damn, they are cute.

"Kahit kailan panira ka talaga ano? Bakit ba kita isinama dito?" 

Hindi siya pinansin ni Eron at nagpabuhat ito sa'kin. Binuhat ko ito at yumakap naman siya sa leeg ko. 

Stupidly In Love (Revised Edition)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz