Chapter 6

47 8 1
                                    

Tahimik lamang ako habang nakatingin sa madilim na gabi. Nandito pa rin sa puso ko ang kirot. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko.

Nasasaktan ako.

Pero hindi ko dapat nararamdaman ito. Napasabunot na ako sa sarili ko. Ang gulo gulo na ng utak ko.

Agad kong pinunasan ang mga luha ng marinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si mama na pumasok. Ngumiti ito sa'kin at lumapit.

"Ma, bakit po? May kailangan kayo?"

"Wala naman. Nararamdaman ko lang na malungkot ang bunso ko. Anong problema?" Masuyong sabi nito at niyakap ako. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya.

I bit my power lip. She's so warm. Nang dahil doon ay bumuhos na ng tuluyan ang mga luha ko.

"Ma.. ang sakit po."

"Hush.. sige iyak lang, anak. Nandito lang si mama,"  marahan nitong hinimas ang buhok ko.

"Ang sakit po ma.. dito sa puso ko.. Hindi.. hindi ko dapat nararamdaman ito. Dapat masaya ako. Pero bakit, ma? Nasasaktan po ako.." tuloy lang si Mama sa paghaplos sa buhok ko.

"Ano bang nangyari?" Tanong nito sa'kin at iniharap ako sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko.

"Ma kasi po.." I suddenly stopped midair. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. Nag iwas ako ng tingin.

"Si Jefferson ba?" Napaharap ako bigla kay Mama ng sabihin niya ito. Ngumiti lamang siya sa'kin.

"Alam kong may gusto ka kay Jeff."

"Ma! Wala po! Hindi ko siya gusto. Mag best friend kami. Hindi 'yon pwede. Mali 'yon." Naglumikot ang mga mata ko. Naghahanap ng maaaring sabihin laban sa mga sinabi niya.

"Eh bakit umiiyak ka ngayon? Bakit ka nasasaktan?"

Natigilan ako doon. Natahimik.

"Gusto mo siya anak. You're just being in denial. Nasanay ka kasi na mag best friend lang ang turingan niyo. Nasanay ka kasi na 'yan lang kayo. Kaya ng magka-feelings ka sa kanya, you got scared because you think he might not like you back. You're just scared anak." Paliwanag niya.

Siguro nga takot ako. Takot ako na kapag nalaman niya mawala siya sa'kin. Takot akong hindi na kami mag-usap. Takot akong may magbago.

"Pero, ma, hindi pwede. May gusto siyang iba." Mahina kong saad. There, inamin ko rin na nahuhulog na nga ako sa kanya. Okay lang naman sanang mahulog. Boto naman si mama sa kanya. Boto naman si tita sa'kin. Kaso lang.. paano si Reign. Ayaw kong maki agaw. Ayaw kong maging kontrabida sa binubuo nilang relasyon. She likes him. And Jefferson likes her back.

Nasaan ako doon?

****

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kinabahan ako dahil tanghali na at late na ako sa school only to find out na sabado pala ngayon.

Nag ayos na ako ng sarili sa banyo. Napatitig ako sa salamin dahil nandoon ang bakas ng pag iyak ko kagabi. Namumugto ang mga mata ko. Ang laki pa ng eyebags ko dahil hindi yata ako nakatulog.

Stupidly In Love (Revised Edition)Where stories live. Discover now