LAPSES

2.3K 171 181
                                    


CHAPTER 1:


Naka-upo lang ako at matagal na pinagmasdan ang bulaklak na itinanim namin ni Mommy dito sa garden noong bata pa ako. Hinawakan ko pa ang sunflower dahil natuwa ako nang maalala ko ang pangyayaring iyon.

I felt someone's presence behind me, at hindi ako nagkamali. Dad is staring at me habang pinagmamasdan ko ang halaman. Kahit nakatayo siya ay tinapik niya ang balikat ko, I looked at him, at saka ako tumayo.


"Dad? Kanina ka pa dyan?" I asked, at pinagpagan ang kamay ko na nahawak sa lupa.


Umiling si Daddy at ngumiti, inakbayan niya ako at muling tinapik ang balikat ko. Lumingon pa ako saglit sa bulaklak bago kami pumasok sa loob ng bahay.

Dumungaw ako sa bintana at nakita na madilim ang kalangitan, umuulan siguro sa ibang lugar.


"Dad?" I called him.


"Yes, Alora?" He answered quickly, Gumagawa ng tea si Daddy, ng tawagin ko siya.


"Do you think na Mommy is really happy up there? You know, naisip ko lang na baka nami-miss niya tayo." Naupo lang ako sa tapat ng bintana at naka-dungaw doon. I'm just reminiscing my childhood days.


Tumawa si Daddy at sinabing, "Syempre naman anak. Your mom is now very happy lalo na't lumaki kang kamukha niya," biro ni Daddy, at umupo sa sofa na nakatapat sa pwesto ko.



"Eee, Dad naman e." Umaarte ako kunwari, at inilagay ang nakalugay kong buhok sa tenga ko. "Syempre, I'm your princess e."


"Haha, sige na at umakyat ka na," malambing na utos ni Daddy. "May pasok ka pa bukas di'ba?"


"P-pero, mag-aala-sais pa lang e."


"Ang ibig kong sabihin doon ay ayusin mo na ang gamit mo para bukas, at mag-review ka na ng notes mo." Napakamot ako sa ulo at iminuwestra ni dad ang ulo na umakyat na ako. Ngumuso ako, pero walang effect.



"Okay, advance good night Dad. I love you," nasabi ko at umakyat na ng kwarto.



Mom died when I was a little, I clearly recall that moment, when dad crying so badly. Nakakaawa si dad noon habang nakasubsob sa kabaong ni mommy. After that we only have ourselves, hindi na rin nag-asawa si daddy at itinuon ang isip sa pagpapalago ng business namin at ng pag-aalaga sa akin.


Inayos ko na lahat ng gagamitin ko bukas, at nag-review na rin ako ng mga lessons ko. Natulog na rin ako maaga, dahil kinasanayan ko na pag may pasok ay hindi ako nagpupuyat.

As soon as my alarm clock ticks ay bumangon na ako, nag-inat-inat sandali at kumilos na. Naligo, nagbihis at isinukbit ko na ang bag pack ko bago bumaba. Ganoon din sa Dad pagbaba ko na nadatnan ko naghahanda na ng breakfast, kailangan niya ring pumunta sa office ng maaga.


"Sit down Alora." Aya ni Dad, habang inilalapag ang niluto niyang fried rice, egg and bacon.


"Kaya pala maaga ako nagising kasi nagluluto ka ng breakfast," masigla kong bati nang makaupo ako. "The best cook ka talaga," I complimented him too.


"Okay, okay. Sige na at baka ma-late ka pa." Naupo na rin si Dad sa harap ko at kumain. Habang kumakain kami ay bigla siyang napatigil. Sa tingin ko ay may sasabihin siya. "Saka nga pala anak," humigop muna siya ng kape bago ituloy ang sasabihin.


"Yes dad?" kumibo ako kaagad ngunit nagpatuloy ako pag-nguya.


"Pupunta mamaya ang pamilya ni Trevor, Alam ko gusto mo na nandito sila dito kaya nakiusap ako na pumunta sila mamayang dinner," nang sabihin ni Dad 'yon ay mas natuwa ako, Si Trevor kasi ang lalaking gusto ko at okay lang naman iyon kay Daddy.


Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now