Chapter 18

2.8K 121 991
                                    

"So paano, bro? Labas tayo mamaya? Sama ka sa'min. Let's enjoy the night later," wika ng isa sa kambal na kaibigan ni CJ habang patungo sila sa parking lot. Kapareho ng kursong kinuha niya ang kurso ng kambal at simula ng tumapak siya sa school na pagmamay-ari ng magulang ng kambal ay naging kaibigan na niya ang mga ito mula noon. Ang kambal ang nakipagkaibigan sa kanya at mula noon ay kasama siya lagi ng dalawa sa loob ng University. At minsan lang sa labas dahil nasa tabi siya lagi ni Caren kapag wala siyang pasok.

Total package kung ituring ng mga babae sa school ang kambal. Masasabi niyang may katotohanan naman iyon dahil halos lahat ay nasa kambal na. Mula sa hitsura, magandang pangangatawan, talino at syempre nagmula sa mayamang pamilya. Perpekto ang mga ito kung itong ng mga babae at ang mga babae na rin ang lumalapit sa kambal. At dahil sa may kalokohang ding taglay ang dalawa, sino ba naman sila para tumanggi. Kung palay na ang lumalapit sa manok, di'ba? At sa magtatatlong taon niya dito sa University, masasabi niyang halos nasa kalahati na ng mga babae doon ang dumaan sa kamay ng kambal.

Sobrang kilala na niya ang pagkatao ng kambal at ang nakakaturn off lang talaga sa katangian ng dalawa ay ang pagiging babaero at fuckboy ng mga ito. Hindi yata lumilipas ang isang araw na wala ang mga itong naikakamang babae and take note kahit saan at kahit anong oras. Basta mag-init ang mga ito o lapitan ng babae ay walang pagdadalawang isip na papatulan at aangkinin iyon ng dalawa na ilang beses na niyang nasaksihan. Pero masasabi naman niyang mabuti ang mga itong kaibigan. Yon nga lang, except sa pagiging manwhore ng dalawa.

Katatapos lang ng kanilang exam at katulad ng kinagawian ng mga ito ay lalabas ang mga ito mamaya para magrelax, para magchill-chill. Hindi iyon ang unang beses na niyaya siya ng kambal pero tinatanggihan niya. Pero ngayon mukhang hindi siya makakatanggi sa kambal dahil last time ay nakapangako siya na sasama na siya sa susunod. Pag-aari ng dalawa ang bar na pinupuntahan ng mga ito pero kahit minsan ay hindi pa siya nakakapunta doon. At alam niya din na doon kadalasan naka-tambay ang dalawa.

"Okay. Tawagan ko na lang kayo mamaya para ipaalam na nandoon na ako. Magpapa-alam lang ako sa girlfriend ko," wika niya na ikina-iling ng kambal habang parehong may nang-aasar na ngiti sa labi.

"Sige. Hihintayin at aasahan ka namin na dadating mamaya sa bar, bro. Pwede mo ring isama ang girlfriend mo if you want," nakangiting anas ng isa pa pero umiling siya sa mga ito.

"Hindi pwede. Hindi siya mahilig sa ganoong lugar. Magpapa-alam na lang ako mamaya," wika niya pero napailing na lang siya ng makitang sa iba na nakatuon ang atensyon ng dalawa. At iyon ay sa isang babaeng parang model na lumalakad papalapit sa kanilang pwesto. Kasalukuyan na silang nasa parking lot at nasa tapat ng kani-kanilang sasakyan. Iisa lang ang sasakyan ng kambal dahil hilig ng mga ito ang share sa isang bagay. Kahit pagdating sa babaeng ikinakama ng mga ito.

"I gotta go. Mukhang may bagong biktima na naman kayo," natatawang wika niya na tinawanan ng kambal.

"Yeah and you can join us if you want, bro. Look at her.. She's fucking sexy and hot. Jackpot siya, bro," papuri ng isa sa kambal sa babae na malapit na sa kanilang pwesto na hindi na naalis ang atensyon sa kanilang tatlo. At halata sa babae na may iba itong ipinapahiwatig and that is... she wants to have sex with them.

"May girlfriend ako, bro. Contented at satisfied na ako sa merong kami kaya kayo na lang. Enjoy, buddies," wika niya bago binuksan ang kanyang sasakyan na hindi nalalayo sa sasakyan ng kambal. At napailing na lang siya ng masilayan niya na agad na nagtagpo ang labi ng mga ito ng tuluyang makalapit ang babae. Bago pumasok sa loob ng sasakyan ng kambal at alam na niya ang susunod mangyayari.

Mabilis na lumipas ang panahon mula noong umamin sila ni Caren ng nararamdaman sa isa't-isa at mula noon ay naging sila na ng dalaga. Hindi nga lang alam ng magulang nito dahil parehas pa silang humahanap ng magandang pagkakataon para sabihin ang relasyon nila sa magulang ng dalaga. Dahil parehas nilang hindi alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito at baka ibalik ng magulang ni Caren ang limitations na mayroon sila ng dalaga noon. Na ayaw nilang mangyari pareho dahil parehas na nila iyong na-eenjoy ng dalaga.. araw-araw. But soon ipapaalam din nila, maybe one of these days.

The Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now